Chapter 28 - January

4.5K 150 40
                                    


"Berry Yoshida!" Kuya Jan

"At bakit ngayon ka lang?" Kuya Feb

"Anong oras na aba!" Kuya March

"Uwi ba 'yan ng matinong babae?" Kuya Ril

"Nako talaga, Berry Yoshida!" Kuya Ey

"Berry naman! Ano wala kang dalang pasalubong?" Kuya June

"Manahimik ka, Hunyo! Wag kang maghanap ng pasalubong! Pero nabili mo yung pinapabili ko?" Kuya Juls

"Isa ka pa, Juls! Ano na, Berry?" Kuya August

"Hiwalayan mo na nga 'yon!" Kuya Sep

"Joke lang daw sabi ni Sep hahaha! Kinabahan siya eh!" Kuya Tobi

"Pag may pumuntang reporter dito sa bahay ako haharap para alam niyo yun mas sisikat kami." Kuya Novi

"Luh. Ako na ang haharap sakanila dahil ako ang pinakagwapo dito." Kuya Des

Seryoso ba talaga sila sa mga sinasabi nila? Hindi ko alam na nakayanan ko pala tumira sa bahay na ito na kasama sila.

"Kuya naman! 4pm pa lang po! Grabe naman kayo sa anong oras na ang uwi."

"Berry, gutom na kami."

Haynako. Ang dami pang sinabi duon lang din naman pala ang punta. Gutom naman pala.

"Magluto ka na. Kanina ka pa namin hinihintay. Naaawa na kami kay Des pati sofa kinakain na."

Minsan hindi ko alam kung sino sa amin ang pinakamatanda. Para kasing lumalabas na ako yung ate tapos silang lahat ay nakakabata kong kapatid. Grabe lang.

"Berry, magpapakasal na daw si Enero" kuya Juls

Agad kong nabitawan ang hawak kong kutsara at napatingin sa mga kuya ko.

"At kailan ka pa nagkaroon ng girlfriend kuya?"

At kasabay nun ay ang walang katapusang tawanan sa kusina. Inaasar nila si Kuya Enero tungkol sa sinabi ko. Bakit may mali ba? Hindi ko nga alam na may girlfriend siya tapos malalaman ko magpapakasal na siya?

"Totoo ba yun Kuya Jan? Bakit hindi ko alam?"

"Pag nakita ako ng girlfriend mo Enero panigurado iiwan ka nun hahaha! "

Agad naman akong napatingin sa sinabi ni Kuya Des, "Joke lang hahahaha! Ang laki ng mata mo dun, January! Berry, alam mo ba na kahit kami kanina lang nalaman na may girlfriend pala si Kuya Jan. Akalain mo 'yun."

Pagkatapos kumain ay pumunta na agad kami sa sala. Kailangan naming mag-usap na lahat tungkol dito. Hindi pwedeng palampasin ito. Ikakasal si Kuya Jan.

"At sino ang maswerteng babae, Kuya Jan?"

"Baka ang ibig mong sabihin ay malas hahaha!" Kuya August

Ayan na naman sila. Hindi na talaga nila tinigilan si Kuya Jan. Kinuwento sa amin ni kuya kung paano sila nagkakilala ng girlfriend niya na si ate Charm. Nasabi na din daw ito ni kuya kila mama kaya ayos na. Ang tanong ko lang ay bakit niya nilihim sa amin?

"Alam nila mommy ang tungkol dito at sila din ang nagsabi na wag kong sabihin sa inyo. Baka daw kasi mainggit kayo at lahat ay maghanap na ng girlfriend. Hindi pa naman kayo matino lahat." Kuya Jan

"Matino naman na kami ah? So pwede na ba kami magkaroon ng girlfriend?" Kuya Novi

"At kailan ka pa naging matino, Nobyembre?" Kuya March

At nagsimula na naman silang mag away. Hindi talaga matatapos ang isang araw na walang nangyayaring gulo sa bahay namin.

**

"Malapit na daw si Ate Charm!"

Isang sigaw ang nagpabangon sa akin sa kama. Ang aga pa pero sumisigaw na agad si Kuya Des. Lumabas ako ng kwarto at ang una kong nakita ay ang mga kuya kong nag uunahan sa cr.

"Ako ang mauuna maligo!"

"Ako muna! Tinatawag na ako ng nature!"

"Kanina pa kayo gising pero ngayon niyo lang naisipan maligo."

Pupunta nga pala si Ate Charm, girlfriend ni Kuya Jan, dito. Gusto daw niya na makilala kami. Nako sana lang ay makayanan niya ang mga kuya ko.

Pumasok na lang ulit ako sa kwarto ko saka nag simulang mag ayos. Pagkalabas ko ay ayos na din ang mga kuya ko pero mapapansin mo na parang hindi mapakali si Kuya Jan sa pwesto niya.

"Chill lang naman, Enero! 3 minutes pa lang naman na na l-late si Charms mo." Kuya June

"Sumuko na daw siya sayo, bro. Hahahaha! Joke lang wag mo nga kong hampasin!"

Sakto naman na nagkakasakitan sila ay biglang may nag doorbell kaya lahat kami ay napatingin sa pintuan. Lumabas si Kuya Jan para sunduin si Ate Charm.

Kasabay ng kuya ko pumasok ay ang isang magandang babae. Omg ang pretty niya!

"Isa kang dakila, Enero! Hello! I'm February Yoshida"

"March Yoshida. Ano nagbago na ba ang isip mo?"

"Tigilan mo lang talaga 'yan, Marso. Hi, ako nga pala si Ril."

"Hi! May Yoshida!"

"Sigurado ka bang malinaw ang mata mo? Baka pag nakita mo si Enero ay hahahah joke lang. I'm June na medyo cool"

"Ang corny mo lang, Hunyo! Ako nga pala si Juls!"

"August Yoshida.."

"Sigurado ka bang hindi ka ginayuma ng kapatid namin? Hahaha! Sep Yoshida! Ang nangunguna sa 'ber ber ber ber'..."

"Tobi Yoshida.. May dala ka bang pasalubong?"

"May pagkakataon ka pang umatras haha! Novi Yoshida.."

"Hi! Des Yoshida.. gwapo, gwapo at gwapo. Gusto mo ba tayo na lang?"

Hinila na ng mga kuya ko si kuya Des bago pa makasabi ng hindi maganda kaya lumapit na lang ako kay at Charm para magpakilala, "Hi po! I'm Berry Yoshida. Gusto po talaga kita makilala tapos ang pretty mo ate!"

Habang abala yung iba sa pagluluto ay ito ako ngayon at kausap si Ate Charm, "Mabait ba si Kuya Jan sayo, ate?"

"Hahahaha! Oo naman, nagiging mainitin lang ang ulo niya pag kausap niya sa telepono ang iba mo pang mga kuya. Lagi niya kasing pinapagalitan."

"Nako, ganun po talaga yun si Kuya Jan pagdating sa iba lalo na sa mga ber"

"Berry, hindi ba ikaw yung girlfriend ni Yuka?"

"Hala ate paano mo po nalaman? Nung nakaraan lang kami nagkaayos eh."

"Dahil kay January at dahil na din isa akong fan ng POSITIVE.."

"Seryoso po? Hala!"

"Hahahaha! Ang cute naman ng reaction mo, Berry. Alam mo bang nandun ako nung pinakilala ka ni Yuka? Yung parang may concert. Sinabi niya ang lahat simula nung nagkita kayo hanggang sa mga nangyayari ngayon. Tapos nung umalis kayo ay medyo lumungkot siya, mapapansin mo 'yon lalo na pag tumutugtog sila kasi talagang madadama mo yung pangungulila pero buti na lang at bumalik ka."

"Kahit anong mangyari ate babalik po ako..."

- -

Para sa mga nagtataka kung bakit 'My 12 brothers' ang title pero hindi naman main focus ang mga kuya. Pakibasa po ang story info. :)))

Aayusin ko po muna yung mga naunang chapters bago mag update. Ayun lang, salamat. ♡

My 12 BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon