Chapter 25 - Ewan ko

4.5K 206 25
                                    


"Umalis ako kasi kailangan kami ni papa tapos sabi nila pag hindi naging successful yung operasyon ay baka mag stay na lang kami dun..."

Nakatungo ako habang sinasabi ang lahat sakanya. Simula sa huling naming pagkikita hanggang sa part na nag sinungaling ako. Nahihiya ako sakanya kasi napakawalang kwenta ng mga rason ko. Pwede ko naman kasi sabihin na lang ang totoo nung mga panahon na 'yon kaso napangunahan ako ng takot.

Tumango siya ng marahan na parang iniintindi ang mga sinabi ko, "Hindi na tayo diba?"

Natigilan ako at napatingin agad sakanya. Parang may kung anong kumirot sa puso ko sa sinabi ni Yuka. Tinignan ko lang siya sa mga mata pero napatungo din. Ayokong makita niya ang mga mata ko. Ayokong makita niyang umiiyak ako para sa kanya.

"Sige na, umalis ka na. May kasama ka kanina diba? Baka hinahanap ka na niya."

"Siguro nga. Berry, una na ako."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganun nga ang gagawin niya. Akala ko mas pililiin niya na makasama ako. Pinagmasdan ko na lang ang naglalakad na si Yuka palayo sa akin. Unti-unting bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Argh! Ang tanga mo naman, Berry! Bakit mo kasi sinabi 'yun? Ayan tuloy umalis na! Aaaah! Mga kuya, may umaaway sa princess niyo!"

Napatakip na lang ako sa mukha ko habang nagpapapadyak sa kung saan. Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin pero hindi ko iyon pinansin at pinagpatuloy na lang ang pag dadrama. Bahala na kung sino yung katabi ko, siya pumiling tabihan ako eh!

"Hay. Iyakin ka pa rin pala hanggang ngayon. Baby ka pa din."

Napatigil ako sa pag iyak at napatingin sa tabihan ko. Oh my gosh! Bakit nandito pa siya? Hindi ba umalis na 'to? Nakangiti lang siya habang pinagmamasdan ako.

Mas lalo akong napaiyak nung pinakita niya na yung famous eyesmile niya. Ayan na naman siya! Agad naman siyang nataranta kaya napahawak siya sa mga pisngi ko.

"Bakit ka ba umiiyak? Wala naman akong ginagawa tsaka kanina pa tayo pinagtitinginan dito. Baka iniisip nila na pinaiyak kita ah!"

Hinawi ko naman agad yung kamay niyang nakahawak sa pisngi ko, "Totoo naman eh!"

"Akala ko ba mauuna ka na? Umalis ka na nga! Kanina pa naghihintay yung girlfriend mo dun sa coffee shop! Hindi dapat pinaghihintay ang mga babae, Yuka."

"Teka nga, nag seselos ka ba?"

Pinalo ko siya ng malakas sa braso, "Sino bang hindi? Alam mo ba na nag promise ako sa sarili ko na pagbalik ko dito gagawin ko ang lahat mapansin mo lang kahit na alam kong galit ka. Wala akong pakialam kung ayaw mo na sa akin pagbalik ko dahil ang mahalaga yung nararamdaman ko. Tapos malalaman ko may girlfriend ka na? Ang unfair naman nun eh!"

Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Nakakainis talaga! Hahawakan niya sana ako ulit pero hinampas ko na naman siya.

"Paano ko pa masasabi yung sagot dun sa 'I love you' mo kung may girlfriend ka na? Nakakainis! Basher mo din ba siya ha? Nagkita din ba kayo sa mall tour niyo tapos pinagtawanan mo siya? Argh! Kapag sinabi mong 'Oo' ay talagang sasakalin kita. Ako lang dapat ang basher mo..."

"Halika nga dito.."

"Ayoko nga. Mahal kita, Shiraishi. Pero mali ang magtaksil. Psh, bakit ba lagi kong naiisip yung girlfriend mo?"

"Hindi ko naman kasi girlfriend yun.." bulong niya pero sapat na para marinig ko

"May balak kasi yung manager namin na special performance. Gusto niyang tumugtog yung dalawang banda."

"Eh bakit kayong dalawa lang yung nandun? Banda nga diba tapos kayo lang?"

Hinila niya ako palapit sa kanya saka niyakap. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganung posisyon. Ang mahalaga, nandito siya.

"Ang cute mo pala talaga magselos no? Sana ganyan ka na lang araw-araw. Haha! Ngayon ko lang nakita yung ganitong side mo kaya sana ay ako lang ang pwede makakita nito."

Humiwalay na ako sa kanya kahit ayoko pa kaso ang dami kasing nakatingin. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Okay, mukhang ayos na ako kasi nagagawa ko nang tawagin ang sarili ko na maganda kahit totoo naman talaga.

"Alam ko ang lahat, Berry. Sinabi sa akin ng mga kuya mo kasi alam nilang hindi mo kayang sabihin sa akin. Hinihintay lang kita na sabihin sa akin yun noon kaso hindi mo nagawa. Nagtampo ako kasi nagsinungaling ka pero ayos na kasi nakita naman kitang nagselos kanina"

"Tara na. Hinahanap ka na panigurado ng mga kuya mo."

Naglahad siya ng kamay sa akin. Pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako. Tinanggap ko naman iyon saka kami nagsimulang maglakad.

Bahagya niyang tinaas yung kamay naming magkahawak, "Ano kayang gagawin ko kung hindi kita nakilala?"

"Ewan ko kasi hindi ko din alam ang kung anong gagawin ko kung hindi kita nakilala."

Napatingin siya sa akin saka tumawa, "Yoshida, saan ka natutong bumanat?"

My 12 BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon