Chapter 31 - Fan

2.7K 80 33
                                    


Nagpadala na lang ako sa hila ni Yuka sa akin. Papasok na kami ngayon sa mismong venue at mukhang papunta siya sa isang room.

Yuka Shiraishi (POSITIVE)

Ayan agad ang bunungad sa akin pag harap ko sa pinto. Pumasok na siya pero ako ay nanatili pa ding nakatayo sa labas. Ayoko pumasok. Ewan ko ba pero ayoko lang talaga.

Nagsimula na akong tumalikod at saka lumakad pabalik dun sa dinaanan namin kanina. Uuwi na lang ako kasi ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Ayoko ng ganito.

Nabigla na lang ako ng biglang may humigit sa akin. Hinarap niya ako sakanya, "Berry, saan ka ba pupunta?"

Napayuko na lang ako. Bakit ba siya ganyan? Hindi ba niya naisip na nag away kami? Well, hindi naman talaga kami nag away kasi nag assume lang ako na galit siya sa akin kasi hindi niya ako pinapansin. Ano ba talagang nangyayari?

Hinigit na naman niya ako pero hinawi ko agad yung kamay niya. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya sa ginawa kong paghawi.

"Uuwi na nga ako!"

Bumuntong hininga siya saka hinawakan ulit ang kamay ko. Pinilit ko namang kumawala sa pagkakahawak niya pero kahit anong gawin ko ay hindi niya ako binibitiwan. Pumasok kami dun sa waiting room niya. Gosh, at bakit ako napunta dito?

"Berry..."

"Wala akong gana panuodin yung concert niyo, okay? Kaya pwede ba umalis ka na dyan kasi gusto ko na talaga umuwi."

Naiinis ako sakanya! Bakit wala man lang siyang sinasabi? Pero ano ba talaga ang gusto kong sagot na manggagaling sakanya?

"Gusto mo na bang makipaghiwalay sa akin, Rhee?"

What? No way.

Hindi naman humantong sa isipan ko na makipaghiwalay sakanya. Naiinis lang ako kasi hindi niya ako pinansin. At malay ko bang seseryosohin niya masyado yung pagkainis ko sakanya na halos akalain niyang ayoko na ng ganito.

Lumapit naman agad siya sa akin saka ako niyakap ng mahigpit,

"Pwedeng..."

Hindi niya matuloy ang sinasabi niya kasi pinipigilan niya ang pag iyak. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinipigilan sa gagawin niya. Hindi ko naman talaga siya hihiwalayan pero gusto ko talaga malaman ang sasabihin niya.

"Pwedeng mamaya ka na lang makipaghiwalay? Tsk. Ang pangit man pakinggan pero sana mamaya na lang. Hindi ko kasi alam kung makakatugtog pa ako mamaya kung alam kong wala na tayo."

"H-ha? Teka lang, Yuka. Ano kasi eh..."

Niyakap niya ako ulit saka hinalikan sa noo, "I love you.."

Ngayon ay naiwan na lang ako mag isa sa waiting room. Aalis na ba ako o hihintayin ko siya dito? At ngayon ko lang naisip kung anong klaseng katangahan ang nagawa ko. Hinayaan kong umalis si Yuka na iniisip na makikipaghiwalay ako sa kanya.

Sakto naman na tumawag ang kuya ko, "Hello, kuya August."

Nasaan ka ba, Berry? Diba may promise ka na lalabas tayo nila Marso?

"Ay oo nga pala! Sorry kuya nakalimutan ko."

Ayos lang. Oh, saan ka namin susunduin?

"Kuya, ano po kasi eh. Sorry talaga."

Hahaha! Nasa concert ka no? Dumaan kasi si Mina dito at mukhang balak ka yatang papuntahin sa concert kahit na sinabi mong ayaw mo pero mukhang pumunta ka nga. Uwi na lang agad ha, bunso? Ingat ka.

"Thank you, kuya August."

Pagkababa ng tawag ay umupo na lang ako sa isang sofa katapat ang isang malaking screen. Napapanuod ko ngayon yung banda pero hindi ko pa din malaman kung anong gagawin ko pagkatapos ng concert na ito.

Paano ko kakausapin si Yuka? Hindi ko naman talaga itensyong makipaghiwalay! Nagtatampo lang talaga ako kasi hindi niya ako pinapansin nang ilang linggo. Wala naman silang concert or ibang schedule.

Wala naman akong nasabi sakanya para layuan niya ako o ano.

Nakangiti man siya habang tumutugtog pero makikita mo pa din yung lungkot sa mga mata niya. Nako, Yuka Shiraishi, ano bang dapat kong gawin sayo?

Natapos ang concert habang ako nakaupo pa rin dito sa sofa at hindi alam kung anong sasabihin mamaya. Bumukas ang pintuan at isang Yuka Shiraishi ang pumasok. Tila nabunutan siya ng tinik nang makita niya ako sa room, mukha pa ngang tumakbo pa siya makarating lang dito agad.

"Tara ihatid na kita."

"Ano, Yuka hindi mo naman... uh gosh paano ba?"

Lumapit siya sa akin saka ako hinawakan sa kamay.

"Yuka, tapos na yung concert."

Napasinghap siya saka napatingin sa akin, "Alam ko.."

Paano ko ba sasabihing hindi naman ako makikipaghiwalay?

"Alam mo mali ka ng iniisip. Hindi talaga, Yuka. Hindi talaga."

"Ganoon ba akong klaseng boyfriend, Berry?"

"Ha?"

Anong pinagsasabi nito?

"Hindi ba kita naalagaan ng tama kaya ayaw mo na? I'm sorry kung naiipit ka dahil sa schedule ko. Sorry kasi isa akong idol at sorry kasi wala akong magawa dun."

Napapaiyak na ako.

"Ano bang pinagsasabi mo ha? Yuka, hindi naman ako makikipaghiwalay sayo"

"Alam ko naman yun kaso naiipit ka na sa gulo ko. Masyado na kitang nasasaktan.."

Mas lalong humigpit ang mga hawak niya sa kamay ko.

"Yuka Shiraishi, naririnig mo ba ako? Sabi ko hindi ako makikipaghiwalay sayo! Bawiin mo yung mga sinabi mo! At ano na namang pakialam ko kung sikat ka? Ikaw lang naman yung mahalaga para sa akin!"

Napangiti siya saka ako hinalikan sa noo at niyakap, "Akala ko hindi ka na darating sa concert. Akala ko makakalimutan mo na ako."

"Hindi mo kaya sinasagot yung nga text ko sayo!"

Tumawa naman siya ng malakas kainis mukhang pinaglalaruan lang ako ng isang ito.

"Sorry na, Rhee, kinuha kasi ni manager yung mga phone namin habang may practice para sa concert. At sorry din kasi plano ko talagang wag kang kausapin para dito. Sorry ulit kasi dinamay ko na naman mga kuya mo at si Mina. Buti na lang talaga at di ka pumayag na makipaghiwalay. Alam mo ba yung kaba ko habang sinasabi sayo 'yun? Akala ko nga papayag ka hindi ko na lang alam ang gagawin ko nun."

Hinarap ko siya kanina ko pa talaga gustong itanong ito eh

"Paano mo nalaman na pupunta ako ha?"

"Palagi kitang inaabangan dun sa likod tuwing may concert kami. Sabi ko naman kasi sayo wag ka na pumila pa para kumuha ng ticket."

"Hindi mo 'yun matatawag na fan kung hindi ako pipila para bumili ng ticket!"

"So, inaamin mo na na fan ka namin?"

Napahinto ako.

"What? Syempre hindi no!"

Tumawa na lang ulit siya saka ako niyakap.

"Sige na nga kunyari di ka namin fan"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My 12 BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon