Chapter 6 - Game!

7.7K 318 14
                                    


"Rhee~ Laro tayo."

Eto na naman po siya. Nanggugulo nanaman. Kitang nagrereview ako oh? Malapit na ang exams!

"Tigilan mo 'ko, Shiraishi. Magreview ka na lang dyan."

"Dali na kasi! Pag nanalo ka, titigilan na kita. Pag nanalo ako, lagi pa rin akong nasa tabi mo."

Napatingin ako sakanya nun. Parang maganda yung sinasabi niya ha? Pag nanalo ako? Ano namang klaseng laro? Whaaaaa. Kung ano man 'yon sana manalo ako.

"Anong klaseng laro?" tanong ko

"Oh, tignan mo. Gustung-gusto mo talaga na umalis ako. Bahala na nga. Ganito kasi 'yon, pataasan tayo ng grades sa exam."

Medyo napangiti naman ako nung narinig ko yung sinabi niya. Hah! Magaling yata ako diyan. Naaamoy ko na ang tagumpay! Hindi pa nagsisimula ay alam ko na kung sino ang panalo. Okay... medyo mayabang na. Nahahawa yata ako kay Kuya Des.

"Game!"

**

Sinabi ko agad kay Mina yung napag-usapan namin ni Yuka at ang naging reaksyon ni Mina ay...

"WHAAAAAT?! AT PUMAYAG KA NAMAN? VERY WRONG, YOSHIDA!"

"At anong very wrong ka dyan? Alam ko namang matatalo ko siya eh!"

Naniniwala ako na mananalo ako. Isa yata akong Yoshida.

"Alam mo ba yang sinasabi mo? Hindi mo ba kilala si Yuka Shi--- Aish! Hindi ka nga pala fan ng POSITIVE. Berry naman! Alam mo ba na si Yuka ang pinakamatalino sa lahat ng miyembro ng POSITIVE!"

"Tch. Grabe ka naman! Matalino din naman ako ah!"

Iba talaga si Mina. Bestfriend niya kaya ako! 

"Bahala ka. Basta sakanya ako boto."

"What? Napaka bait mo talagang bestfriend, Mina."

Bestfriend ko ba talaga 'to? Hindi man lang ako sinuportahan. Tch. Bahala siya, pag ako nanalo.

"Alam ko, I love you Berry!" sabay ngiti niya pa.

"Hmp! Hindi porket idol mo yung Shiraishi na 'yon ay hindi mo na ako susuportahan. Hoy! Bestfriend mo kaya ako! Pag nataasan ko siya, hindi kita ililibre"

**

Syempre kinuwento ko din kila Kuya yung sa laro namin. Pagkatapos ko mag kwento ay narinig ko yung iba-iba nilang mga sinasabi...

"Ang laki niya talagang tanga" Kuya Jan

Hoho! Alam ko yan Kuya Jan, ang laki niya talagang tanga. Buti naman at sa akin kampi sila kuya.

"Nag iisip ba talaga siya?" Kuya Feb

Hindi yun nag iisip! Okay, ang bad ko na.

"Pataasan ng grades? Tsk. Talo na.." Kuya March

Tama! Dahil ako ang mas mataas na grades! Humanda ka talaga, Yuka!

"Nakakaawa naman talaga pag nagkataon" Kuya Ril

Sobra! Sobrang nakaka awa talaga! Talunin ka ba naman ng isang Berry Yoshida eh.

"Mapapa-iyak na lang siya sa sobrang hiya dahil natalo siya." Kuya Ey

Huuuu~ C-comfort ko na lang siya. O kaya libre ko na lang ng ice cream si Yuka pag natalo siya.

"Tsk. Sigurado magkakalat lahat ng gamit dito sa bahay." Kuya June

Magkakalat? Bakit magwawala ba si dito Yuka dahil natalo ko siya? Awww. Ako na lang maglilinis. Bait ako eh! Bait si Berry! Hihi

"Panigurado susuntukin ako nun! Nako, pasa nanaman 'to." Kuya Juls

Ha? Susuntukin ba ni Yuka si Kuya Juls? Ay, hindi marunong tumanggap ng pagkatalo

"Wala na yatang maglilinis ng bahay pag natalo 'yon." Kuya August

Teka-- katulong ba namin si Yuka? Taga linis ba namin siya ng bahay? Haaa? Eh ako naman yung naglilinis ng bahay ah?

"Kawawa si Berry..." Kuya Sep

Anong pinagsasabi ni Kuya Sep? at ako pa ang nakakaawa, ako kaya yung mananalo.

"Berry Yoshida, ano 'tong pinasok mo? Haay." Kuya Tobi

Ano bang meron? Nagugulihan na ako ah. Ano ba talaga ang mga sinasabi nila?

"Siguro sa amin ibubuntong ni Berry lahat ng hinanakit niya kasi natalo siya ni Yuka." Kuya Novi

Say what?! Tama ba ang naririnig ko? Hindi kaya ako matatalo!

"Ang laking tanga talaga ng bunso namin. Nag-iisip ba 'yon? Haaay. Pataasan ng grades? Imposible na! Magwawala siguro si Berry sa bahay pag nagkataon, Aish~! Ako na nga lang magliligpit lahat ng ibabato niyang gamit. Mabait ako eh! Pogi pa!" Kuya Des

"GRABE KA DISYEMBRE! NAISINGIT MO PA YANG KAPOGIAN MO HA?!" sabay sabay na sigaw nila Kuya

Ay shemay! Akala ko ay sa akin sila kampi, hindi pala! Nako talaga, Yuka Shiraishi.

My 12 BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon