Room 407 Room 407 Room 407Paulit-ulit na mga salita na tumatakbo sa utak ko.
Pagkauwi ko galing school ay nag palit agad ako ng damit at akmang lalabas na ng bahay ay pinigilan agad ako ng mga kuya ko.
"Hep! Hep!" sigaw ni Kuya Des
"Kuya naman. Wag muna ngayon ha? May pupuntahan pa ako!"
"Teka nga, Des! Ako na lang ang magsasabi. Anong oras na Berry at kakauwi mo lang tapos aalis ka agad? Hindi maganda 'yan." Kuya Sep
"Kuya naman.."
"Ako ang magsasabi, Sep! Wag kang ano dyan. At saan ka pala pupunta? Kakarating mo lang ha! Para sabihin nami sayo Berry, labing tatlo lang tayo dito sa bahay at bilin sa akin ni Mommy na wala munang gala!" Kuya Des
"Kuya naman! Hindi kasi pwede ang sinasabi mo, emergency kasi 'to. Baka pag hindi ako umalis ngayon, wala na akong madatnan. Gusto ko lang naman i-explain yung side ko! Baka mawala ko siya."
Paiyak na sana ako pero naudlot yun nung humagalpak sa tawa si Kuya Novi.
"Ang drama mo naman. Hahahaha! Sino bang may sabing hindi ka namin papayagan?" Kuya Novi
"So, payag na kayo umalis ako?"
"Oo naman. Ewan ko na lang sa iba mong mga Kuya hahaha!" Kuya Tobi
Kakaiba talaga yung tawa nila. Yung tipong pang kontrabida. Alam niyo yun? Ngayon ang problema na lang ay yung sa iba kong nga kuya.
"Berry Yoshida, hindi ka pwedeng umalis!" sabi ni Kuya Jan
"Kuya Jan naman eh! Kahit ngayon lang po tapos okay na. Uuwi din po ako agad pagkatapos nito, promise."
Kilala ko si Kuya Jan, pag sinabi niyang hindi pwede ay hindi talaga pwede. Nako naman, paano na ito?
"Sasama ako."
**
Pumayag ako na samahan ako ni Kuya Jan papunta sa dorn ni Yuka. Wala din kasing maghahatid sa akin kung sakali man na ako lang mag isa.
"Puntahan mo na. Dito na lang ako sa baba maghihintay. Basta 30 minutes lang ha?"
"Yes Kuya." sabi ko sabay yakap sa kanya
407
Mga numerong nababasa ko ngayon. Ito na, nandito na ako sa tapat ng pinto ng kwarto niya. Kinakabahan ako. Kakatok ba ako? E paano kung palayasin agad ako? Bahala na nga.
*Tok Tok
Kakatok pa ulit sana ako nang biglang bumukas ang pinto, "Drake naman! Wag nga m- Rhee."
"Oh. Hi."
Hindi niya sinagot yung bati ko dahil lumingon muna siya paligid saka ako hinigit papasok.
"A-ano.. Yuka, bakit-"
Napatigil ako sa pag sasalita nung bigla niya akong niyakap. Bakit parang iba yung yakap niya? Parang may gustong sabihin.
"Bakit ka umalis na lang agad?"
Napabitaw siya sa akin dahil dun sa tanong ko..
"Bakit hindi ka man lang nag sabi? Tapos yung huli pa nating pagkikita ay sinabi mo lang, Sorry! Ano bang ibig sabihin nun? Sorry kasi aalis ka na? Or sorry kasi hindi mo ko gusto? Linawin mo naman kasi Yuka."
Nakatungo lang siya at halatang walang masabi.
"Ikinakahiya mo ba ako kasi nagka gusto ako sayo? Oo, simple lang naman kasi akong babae. Hindi ako katulad ng iba dyan na super sexy, super ganda at super perfect. Ganon ba yung mga gusto mo? Bakit, nakakasira ba ako sa career mo? Natatakot ka na mawalan ng fans kasi may na l-link sayo?"
At hanggang ngayon ay nakatungo pa rin siya. Wala ba siyang balak na kausapin ako?
"Bakit nga ba nag aksaya pa ako ng oras na puntahan ka dito? Bakit nga ba nakipag away pa ako sa mga Kuya ko para lang makarating dito? Bakit nga ba nakiusap pa ako sa mga bandmates mo para lang malaman kung nasaan ka? Bakit nga ba ha? Kasi mahal kita! At nagsisisi ako kung bakit ganto pa yung nararamdaman ko."
"Rhee, ayaw lang kasi kita madamay sa gulo"
"Anong gulo? Pakipaliwanag mo naman kasi naguguluhan na talaga ako!"
"Ang mundo ng showbiz, Berry! Ayaw kitang pagkaguluhan ng mga reporters. Ayaw kitang ma s-stress sa kakatago para maiwasan yung mga magugulong paparazzi. Ayaw kitang makitang nasasaktan habang nakikita yung mga hate comments mo sa internet. At higit sa lahat ayaw kong maging magulo yung buhay mo. Alam mo rin kung bakit? Kasi mahal din kita! Kaso hindi kasi ganun kadali yun."
Nilapitan niya ako saka niyakap.
"Intindihin mo muna sana ako, Rhee"
--
BINABASA MO ANG
My 12 Brothers
Fiksi RemajaAno nga ba talagang mangyayari kung may 12 na kuya ka? Tunghayan kung paano guluhin ng kanyang LABING DALAWANG mga kuya ang kanyang love life.