Kabanata 1

1.7K 39 0
                                    

Panaginip ng Nakaraan

"Al, can I borrow your notes? Naiwan ko kasi yung libro ko." Pagpapacute ng bestfriend ko. She is Jennifer, daughter of Tito Justine, my Daddy's bestfriend and business partner. We used to be closed since kindergarten dahil lagi siya sa bahay every weekends.

"Sure Jen. Promise me to give it back tomorrow." Ngiti ko sa kanya

"Thank you bessy. See you tomorrow." She winked at me at sumama na sa yaya niya.

Lumabas na ako ng room at hinanap si Nana Maria. Siya ang katiwala na nag-alaga saaming magkakapatid kapag nasa trip ang nga magulang namin. I considered her as my second mother.

Hinanap ko siya sa waiting area namin ngunit nakapagtatakang wala siya. Binuksan ko ang cellphone ko para makita kung nagtext siya pero wala. Dati-rati naman magsasabi siya kapag hindi niya ako masusundo. Napakunot akong noo at baka busy siya.

Dumiretso na ako sa parking lot dahil kung wala si Nana, paniguradong andoon na si Tatay Ed, asawa ni nana Maria. Wala silang anak kaya ginugol nila ang lahat ng atensyon nila sa aming magkakapatid. They are family to us.

Nakita ko naman agad ang sasakyan namin sa dulo ng parking lot. Nakapagtatakang wala sa labas si Tatay Ed. Marahil sguro ay nagpapahinga siya. Tumakbo ako para lapitan ang sasakyan namin. Excited kong hinawakan ang pinto para ipakita kay Tatay Ed ang papel ko, gaya dati perfect ko ulit ang quiz. Paniguradong ibibili nanaman niya ako ng ice cream bilang premyo.

"Tatay Ed! Look oh. I perfect my quiz again" Pagkabukas ko ng passenger seat ay nagulat ako. Kusang tumulo ang mga luha sa mata ko at hindi ako makasigaw para makatawag ng tulong. Para akong tinusok-tusok ng ilang karayom at pinipiga puso ko. Gusto kong tumakbo, gusto ko umalis pero hindi ko kaya.

Nana Maria was there. Naliligo siya sa sarili niyang dugo. Unti-unti akong umupo sa tabi niya. Yakap yakap niya ang file case ko na kinuha niya kaninang lunch break. I can see pain in her face. Kahit nanginig ay pinahid ko ang luha na lumandas sa kanyang mga mata at walang ingay akong umiyak.

"Nana.. Pleasee.. Nana.. Wake up.. Please Nana Maria. Gumising ka. Look oh, perfect ko quiz ko. Diba sabi mo lulutuan mo akong masarap na adobo kapag naperfect ko? Diba Nana. Pleasee. Nanaa. Wake up. I'm begging you!" Halos ramdam ko ang pagguho ng mundo ko sa nakikita ko. Unti unti kong nilingon ang driver's seat at andoon si Tatay Ed. Gumalaw siya bahagya kaya lumabas ako para makapunta sa driver side.

"Tatay. Do you hear me?" Parang mabibiyak ang puso ko ng nakita kong unti siyang nag-angat ng tingin. Bagamat nahihirapan ay ngumiti siya saakin at bumulong.

"Nak, kani..na ka.. pa..  nam.. in hini..hintay. Pas..sen..sya na.. Hin..di.. ka..na nahin..tay ng Na..na." Hinawakan ko ang kamay ni tatay

"Nak.. Uma..lis.. Ka na di..to.. Ilig..tas mo sari..li mo." Hindi ko siya marinig dahil mabilis at malakas na tibok ng puso ko lang ang nangibabaw. Dinaial ko agad ang number ni Kuya Francis. Dalawang ring palang ay nabigla na ako ng bumitaw si tatay saakin. Tinignan ko siya at halos mapuno ng luha ang aking mata. Wala na akong lakas kaya napaupo na lamang ako. Ang dalawang taong pinahalagahan ko ay andito sa harap kong walang buhay.

"Hello baby." Malambing na bati ni kuya

"Kuya.." Yun nalang ang nasabi ko ng biglang may nagtakip ng ilong ko at nawalan na ako ng malay.

"Allona, ija. Wake up." Napamulat ako ng maramdaman ko ang mangiyak-iyak na boses ni lola Diana. Ramdam ko din ang basang pisngi ko. I have my nightmares again.

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon