Kabanata 28

515 12 2
                                    

Favor

Abot tanaw ko ang syudad at mga matatayog na establishimento na pumapantay sa kinaroroonan ko.

Isang oras na akong nakatulala habang patuloy kong hinahalo ang matagal ng lumamig na kape sa aking kamay.

Simula ng lumipat ako dito ay tumigil na rin akong pumasok sa paaralan. Hindi ko rin sinasagot ang mga tawag ng mga kaibigan ko maski na ng lalakeng pinakamamahal ko. Kung kaya't minabuti ko na lamang na patayin ang cellphone ko. I deactivated all of my social accounts too.

Isang gabi ng bumisita si Kuya Franz dito ay may marka ng pasa sa kanyang mukha at halos mabitawan ko ang hawak kong pinggan ng inamin niya na nasuntok siya ni Andrei mapaamin lamang kung nasaan ako.

I know it is not necessary to run away from him, from everyone, pero gusto kong magpalamig muna pagkatapos ng lahat ng gulo sa nagdaang mga linggo. Hindi na umuuwi si Daddy sa bahay at sa opisina na raw siya natutulog. My mom always cry convincing me to come home but still I can't. Prinoprotektahan ako ng mga kapatid ko sa lahat ng mga nagtatanong tungkol saakin, saying that I went out of the country.

Tumunog ang pintuan ng condo ko. Hindi ko man alam kung sino ang pumasok ay hindi rin ako nag-abalang lingunin ito dahil tatlong tao lamang ang may spare key dito.

"Baka mahamugan ka. Magkasakit ka niyan." Komento ni Kuya Francis habang pinatong niya sa ulo ko ang scarf na marahil napulot niya sa kung saan.

Hinawakan ko ang kamay niya at marahan ko siyang tiningala.

Humila ang malayang kamay niya ng upuan. Umupo siyang nakaharap saakin habang ako ay nanatiling nakaharap ang katawan sa syudad at ang mukha ay naharap sakanya.

"Thank you so much for sheltering me, Kuya." Marami na siyang naitulong saakin simula ng magkagulo.

He is a strong man with a strong will of living. Who could have thought that he can create his own company outside my dad's wealth.

Nang nalaman kong inalipusta siya ng pamilya ni Antonette dahil lang sa anak siya ng mayamang businessman ay nagalit ako. Inakusahan siyang wala siyang mararating kung walang tulong ng pamilya namin. He can be feed with silver spoon but yet he choose to eat barehanded to prove them wrong. He started working part time during his highschool days then invested his small money until it grows.

"You are too dramatic." Kutya niya at kinurot ang tungki ng aking ilong.

Tumawa ako.

"Why not stay here with me, Kuya? Masyadong lonesome dito lalo dahil mag-isa ako." Pangungumbinsi ko sakanya.

He owned two condo unit. The one beside his building and this one, ang pinaka-unang condo na nabili niya.

"Alam mo namang masyadong mahirap saakin kung dito ako titira. Salitan ako sa pagbisita ng kompanya natin at sa mamamahala ng kompanya ko. Atleast doon mas malapit ako at makakapagpahinga ng maayos. At isa pa, baka makahalata si Daddy." Ito na lamang ang palagi niyang sinasagot saakin.

"Bakit hindi mo na lamang sabihin kay Daddy? He will understand." I pouted.

He chuckled.

"He will be furious knowing that his son is his rising rivalry. I can't imagine how he will react. He might be feel betrayed." Bungisngis niya ulit.

Bumuntong hininga ako. May punto nga siya.

"I am happy that you filled the missing space in this place. This one is really precious to me." He smiled showing his perfect white teeth.

"Aba! I cleaned the whole house." Pagmamalaki ko.

Nagtawanan kami ng biglang may nagsalitang lalake sa likuran namin.

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon