Kabanata 5

1K 18 0
                                    

Tie

Nakausap na ni daddy ang principal sa eskwelahan na papasukan ko. Kailangan daw magtake ng exam pagkatapos ng enrollment. Sa sabado gaganapin ang entrance exam.

"Here is the file and reviewer. Andiyan lahat ang kailangan mo malaman tungkol sa eskwelahan natin. If you want to review for the exam, andiyan na lahat ng kailangan mo." abot saakin ni Kuya Francis ng folder at walang sabing umalis.

Ateneo De Davao University. Prestiryoso ang universidad na ito. Maibibigay nito ang kalidad na edukasyon na kailangan ko.

Maaga akong nagising ng sabado, wala akong sinayang na panahon kaya dapat ay handa na lahat.

Mabilis akong naligo at naghanda para pumasok. I wear a floral sleeveless and a white skinny pants. I blow dried my hair, mas lalo kita ang pagkakulot ng buhok ko, inipitan ko ito gamit ang puti kong bow ponytail. Naglagay din ako ng powder at lipgloss.

"Anak. Kain na. Andoon na ang kuya mo sa baba." Sabi ni mommy

"Susunod na ho ako. Sandali nalang po." Sagot ko kay mommy habang nililigpit ang mga kailangan ko.

"Goodmorning guys." Bati ko sa aking pamilya.

"Halika na at kumain." Sabi ni kuya francis

Nakita ko ang upuan sa gilid niya kaya agad akong tumabi. Tinusok-tusok ko siya sa tagiliran kaya napaigtad siya.

"Stop that." Tugon niya habang nanliit ang mata na bumaling saakin. Kinurot niya ako sa ilong. Sa sobrang sakit ay paniguradong namula ito. I make face para magprotesta.

"Damn Allona! Dont you ever do that infront of boys! I'm telling you." Pikon niya buwelta saakin

"Doing what?!" Irita kong sagot sakanya habang nagsasalin ng gatas

"Doing that face." Pagmamaktol niyang balik na sagot

"Bakit? May problema ba sa mukha ko?" Nakabusangot kong tanong.

"Baka mabaliw sila sayo. Pacute ka kasi. Yun ang point ni kuya." Singit ni Kuya Franz.

Pinandilatan ko sila ng mata imbes na magsalita pa. Hinayaan ko nalang silang asarin ako.

Sabay kaming pumunta sa school nila Kuya Franco at Franz. Since parehas sila na varsity ay may practice game daw sila sa basketball. Babantayan din daw nila yung mga magttry-out para sa team.

"Allona. Stay close." Hinawakan ni kuya franz ang braso ko at nilapit ako sakanya.

Pagkababa palang namin kasi ay napansin ko na ang paglingon ng mga studyante saamin. Natatakot ako. Kaya ba ako tinitignan ay dahil bago ako o dahil sa kasama kong dalawang gwapo at matitipunong lalaki kaya kami tinitignan.
Tama ba?

"They are looking at you." Bulong ko sa mga kapatid ko na pinagitnaan ako.

"They are looking at you not us." Kumpirma ni kuya Franco.

Naglakad na kami patungong library kung saan gaganapin ang exam ng 2nd year. Lahat ng bawat year ay may exam, iba-iba lamang ang nakaschedule. Kahapon kumuha ng exam sila Kuya Francis at Kuya Franco.

"Siya ba ang kapatid nilang galing Paris? Grabee. Makapunta nga doon." Maarteng wika ng kong sinong babae na may violet na highlights.

"Nasa dugo ata nila ang magaganda at gwapo. Nakakainlove naman ang kapatid nila." Bulong ng lalake pero sinadya atang ilakas para marining namin.

Nakita ko ang paigting ng panga ni kuya franco habang nagsalubong naman ang kilay ni kuya franz.

"Dont talk to stranger Al."

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon