Kabanata 27

460 14 0
                                    

Kuya

From that night of encounter, hindi na ako pinakitunguhan ni Daddy tulad ng dati. He always looked at me stone cold with full of disappointment.

He begins to question everything that I will do.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Daddy habang nasa harap ng hapag.

Huminga ako ng malalim upang lunukin ang bukol na bumabara sa daluyan ng hangin sa aking katawan. Nasasakal akong literal na hindi ko maipaliwanag.

"School po." Magalang kong sagot.

Hindi ko na kilala si Daddy, sa pagdaan ng araw ay tila sinusuka niya ako. Everytime I look at him, he will turn away.

"Anong gagawin mo doon? Makikipagkita sa Ko na yun!" Hindi tanong kundi siguradong turan ni Daddy.

Hindi na naging lihim sa buong pamamahay ang nangyari. Daddy was so vocal about it. I understand.

"Dad." Agap na pakalma ni Mommy habang inabot ang kamay ni Daddy.

Hindi ko napansin ang pagkuyom ng kamay ni daddy kaya siguro siya agad pinatahan ni mommy. I understand it, kasalanan ko.

"Iyan ba ang tinuturo ng lalakeng iyon sayo ha?! Ang pagsinungalingan kami ng mommy mo Allona!" Bulyaw ni Daddy.

Napatayo agad si Kuya Franco para protektahan ako. I never knew loving someone will cause so much pain like this.

"Dad, calm down. Tinatakot mo si Allysa." Pag-aalala ni mommy habang nakatingin kay Allysa na yakap ni Kuya Franz.

Sinenyasan siya ni Kuya Franco na alisin si Allysa doon. She is too young to see this kind of scene.

"Anatele! Sa tingin mo makakalma ako?" Sigaw ni daddy. "Itong anak mo, kung sinu-sino nilalandi—"

Natikom ko ang bibig ko ng marinig ko ang malakas na sampal ni Mommy kay Daddy.

"How dare you say that to your child, Ferdinand! You, to all the people!?" Hagulhol ni mommy.

Tumawa na parang nababaliw si Daddy. Hinilamos niya ng marahas ang kanyang mukha.

"Do you like what is happening, Allona? Nag-aaway kami ng Mommy mo dahil sayo. Is it funny to you?" With his deep baritone voice, Daddy mocked.

Umiiling ako.

I never want this to happen. I would never do anything to hurt my family.

"Hindi? Really!?" Hindi makapaniwalang tono ni Dad.

Nawala sa paningin ko si Dad ng takpan siya ng malapad na likod ni Kuya Franco.

"Tama na dad. Walang kasalanan si Allona dito." Kalmadong sambit niya.

Nanlaki ang mata ni Daddy ng pumagitna si Kuya. May kung anong ideya ang pumasok sa isipan niya kaya kinuwelyuhan niya ito.

"Don't tell me you know everything about this, Franco." Pinagdiinan ni Daddy habang hawak ang damit ni kuya.

Hinawakan ko ang braso ni Daddy.

"Dad, kuya has nothing to do with this. Diba kuya? Tell daddy na wala kang kasalanan dito." Takot at pagmamakaawang bigkas ko.

"Kuya!" Nabasag na ang boses ko sa sobra sobrang sakit ng puso ko.

Hindi siya natinag at diretsong tinignan si Daddy namumula na ngayon sa galit.

"Ferdinand, nasasaktan mo si Franco." Daing ni Mommy na iyak ng iyak. Hinahatak niya palayo si daddy ngunit hindi ito kumakalas.

"Ano Franco?! Answer me." Sigaw ni Daddy.

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon