Kabanata 10

864 19 2
                                    

Letters and Tulips

Pilit kong nilalangoy ang isang malawak na karagatan upang makakita ng pwede kong kapitan ngunit ng makakita na ako ng pag-asang makaahon ay muli ulit akong nilamon ng tubig para malunod. Iyan ang totoo, kagabi ay sigurado na ako ngunit dahil sa nangyari ay tila naging malabo ulit.

"This was mine now. I claimed it already. Don't you dare fall in love with anyone."

Paulit-ulit itong rumirehistro sa utak ko hanggang ngayon na kaharap ko sila ng upuan. Andito kami ngayon sa seafood restaurant na pag-aari nila Trixie. Pagkamalas-malas ko naman dahil napwesto ako sa tapat pa talaga nilang dalawa ni Andrei.

Narinig ko ang pagtikhim ni Gale sa tabi kung kayat napalingon ako.

"Aren't you hungry? Kanina pa kita tinitignan at mula kanina ay hindi ka pa sumusubo kahit isa. May problema ba?" Concern niya.

"I'm just tired. Kailangan ko lang siguro magpahinga." Pagsisinungaling ko at tingin ko naman ay pinaniwalaan niya.

Ngunit ang totoo ay hindi ko kayang sikmurain ang dalawa sa harap ko. Kung paano alalayan ni Andrei si Trixie, kung paano ipaghandaan ng pagkain ni Trixie si Andrei. They were seem so perfect kung hindi lang ganoon ang inasta ni Andrei kanina.

Mahal na mahal ni Trixie si Andrei, kita yun sa bawat tingin niya sa binata at tila ito ang mundo niya. Pero ang mata ni Andrei ay maya't maya ay tumitingin saakin kagaya kanina ng hainan ako ni Gale ng pagkain ay nahuli ko siyang matalim na nagmamasid.

"Is there anything you want to talk about?Kanina ka pa tahimik simula ng bumalik ka galing restroom?" pagbasag ng katahimikan ni kuya Franco.

"I dont feel well kuya."

Napapreno siyang at biglang hinawakan ang noo ko.

"Stop it!" Palo ko sa kamay niya.

"Hindi ka naman mainit. Anong masakit sayo?" One thing I like about him is that he's a cool at the same time a good brother.

"Masakit lang katawan ko that's all." Paninigurado ko.

"Lagot ako kay Mommy at Daddy kapag may nangyari sayo. I am older, you're my responsibility." pagpapaliwanag niya habang pinaandar ulit ang sasakyan.

Nakuha ang atensyon ko ng isang boquet ng white roses sa backset

"Kay Jennifer ba yun?"

Agad naman niyang naintindihan ang tinutukoy ko kaya't awtomatikong naghawak siya ng batok at napamulahan ng mukha.

"I see. Pakikamusta ako sa kanya. Tell her I missed her and be back soon." Ilang linggo na padin siyang hindi pumapasok.

"Papasok na siya sa monday." Sagot niya.

I wander how close they were nung nasa Paris ako. Bakit siya sinasabihan ng bestfriend ko samantalang ako ay hindi man lang niya tinetext.

"Nililigawan mo ba siya?" Napaawang ang bibig niya sa tanong ko.

"We are here." Pag-iiba niya ng usapan ng makarating kami sa tapat ng gate ng bahay namin. Natawa ako sa inasta niya.

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon