Kabanata 17

639 16 0
                                    

Focus

Hindi ko na muli pa nakita ang lalakeng iyon kaya siguradong hindi siya doon nag-aaral.

"Sino kaya yung fafa na yun? Infairness, maski yung kasama niya ha. Tender juicy hotdog." Mahalay na pagsambit ni Bryan na ngayon ay nakahilata sa sofa.

Napag-usapan namin gagawa kami ng project sa bahay nila. Kahit pa tago ang pagiging pusong babae niya sa publiko ay lantad naman sa pamilya nito ang totoong pagkataon niya kung kaya't hindi siya nahihirapan. Sariling desisyon niya lamang kung bakit ayaw niya itong ibunyag sa madla.

"Mukha ngang may sobrang nagseselos eh." Untag ni Jen.

Nagseselos? Sinulyapan ko siya upang irapan kaya agad niya namang tinaas ang dalawang kamay sa ere bilang pagsuko. Ano ba ang alam niya?

Mabuti nalang at hindi ito pinansin ng mga kaibigan namin.

"Allona, kanina pa nagvivibrate cellphone mo." Sabay turo ni Bryan sa bag ko na nasa tabi niya.

Wala sa sarili ko siyang tinanguan. Hanggang ngayon ay malinaw parin saakin ang tagpo na gustong ko ng burahin sa alaala ko.

Haay. Kung bakit ko kasi sinilip pa.

"Hey."
"3 missed call."
"Omoo! 'Baby, I miss you!'??" Tuloy tuloy na scroll down ni Bryan sa cellphone ko.

Halos lundagin ko ang pagitan namin ng mapagtanto ko ang ginagawa niya. Tumayo naman siya at itinaas ang kanang kamay na may hawak ng cellphone ko para hindi ko maabot.

"Akin na, Bry." Pagmamakaawa ko habang tumatalon ako para maabot ito.

"Aba, may baby ka na pala ha? Sino to?" Panunuya niya.

"Please, give it to me." Shit.

"Anong password? Akin na finger mo!" Mas lalo pa niyang tawa.

"Bryyyyyy!" Naiyak na ako sa inis dahil sa ginawa niyang pagwawagayway ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Hell, no. Please, not him.

"Now he is calling." Pakita niya sa screen ng cellphone ko.

He swiped it. Halos mahulog na ang lahat ng pag-asa ko sa marble na sahig dahil sa pagsuko. I let him answer the damn call. Wala na akong nagawa.

Nilingon ko si Jennifer para senyasang tulungan ako pero nakangiting aso lamang ito na tila galak na galak sa nangyayari habang pumapapak ng chips.

Si Katherine at Selena naman ay pumunta pa sa magkabilang gilid ni Bryan para marinig kung sino ang nasa kabilang linya.

Tumikhim pa si Bry bago magsalita.

"Hello? Boyfriend ni Allona ito. Sino to?" Lalakeng tono ni Bry.

Inulit pa niya ito ng limang beses.Ang tuwang ekspresyon nito ay biglang nawala. Halos itapon niya pabalik ang cellphone saakin.

"Pinatayan ako ng damuho." Dismaya niya.

Humugot akong malalim at tinignan muna muli ang screen ng magvibrate ito muli.

Unknown number:
'I'll wait for you outside.'

Ano daw? Outside saan? Hindi pa ako natatauhan sa sabi niya ng bigla ng nagsalita si Jennifer.

"Guys, I think Allona and I should go first. Magpapasama pa ako sakanyang bumili ng gift for Jill." Inayos niya ang mga gamit at nilagay ito sa bag.

Jill was her younger brother. She always buy gifts for him as a reward o kaya kapag may okasyon pero wala naman akong maalalang usapan namin.

"Hindi mo naman nasabi saakin na bibilhan natin ng ano-" Napakurap-kurap ako ng bumungad saakin ang isang lalakeng prenteng nakasandal sa 2017 Lexus Rx na nakaparada sa harapan ng bahay nila Bry.

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon