Kabanata 22

544 9 0
                                    

Happy

"Isang beses ko lang nakitang nagkacrush si Allona. Bata lang siya noon." Pagsaling pang-aasar ni Kuya Franz.

Kanina pa ako inuusisa nila Ian, Gale at Bry tungkol sa personal life ko.

Speaking of Gale, he's been distant to me for few weeks already. Lagi niya akong iniiwasan each time magkakasalubong kami o magkaroon kami ng pagkakataon na kami lang ang naiiwan sa classroom.

Hindi niya ako kinikibo o tinitignan. Kaya masaya ako na nakikisali siya ngayon sa usapan though I dont like the topic.

Nasa beach kami ngayon na nirentahan ni Jen. No one knows that it would be her despidida party, ang dinahilan lang niya ay gusto niyang magswimming.

"Kuya!" Suway ko sakanya.

Kinindatan niya ako. Dahil sa hindi na ako natutuwa ay lumapit siya sa kinauupuan ko at inakbayan ako.

"It's okay, lil sis. It's normal." Bulong niya saakin but evil smile is plastered on his face.

Asshole.

"Crush? Nasaan na?" Tanong ni Ian na may bahid ng pang-uusisa.

"I dont know." Sabi ko.

Bakit ba nila naisipan ungkatin ang ganito saakin? Hay nako.

Well, totoo naman. Hindi ko alam maski pangalan nung batang yun hindi ko na rin matandaan.

"That was the first and last time na nagkacrush siya. Hindi ko lang alam kung marunong na siyang magkeep ng secret ngayon kung may bago siyang gusto." He turned to me with detective eyes.

Inirapan ko siya. How could be this boys talk things so lightly at ako pa talaga napagdiskitahan nila.

Kamusta na kaya yung batang yun? Sa pagkakatanda ko ay klaro pa ang itsura niya but as years passed by, the image of the kid became blurry and unclear. Kaso may familiar siyang pagkakatulad hindi ko lang maisip kung sino o kung guni-guni ko lang.

Biglang tinawag ni Kuya Franco si Kuya Franz para magpatulong tapusin ang iniihaw. Ganun din ang ginawa ng mga tatlong lalake sa harapan ko kaya naiwan akong mag-isa.

The sight of the blue sea is such a great scenery. Ibinaon ko ang aking mga paa sa puting buhangin at pinapanood ang isang maliit na talangka na gumagapang doon.

"Want some?" Pagwawagayway ni Gale ng barbecue na bagong luto.

Nginitian ko siya at tumango. Inabot ko ito. Amoy na amoy ang mabagong aroma nito. Ako yata ang nagmarinate kaya I'm proud.

"Can I sit beside you?" Pagpaalam niya habang nakatingin sa espasyo na inupuan ni Kuya Franz kanina.

"Oo naman." Pagpayag ko.

Tahimik lang kaming nanonood ng mga nagsswimming. Mapapansin ko lang na lilingunin niya ako sa periphery ko tapos hindi rin magtatagal ay ibabalik niya ulit ang tingin sa dagat.

Bumuntong hininga siya na nakakuha sa atensyon ko.

"Nasaan si Jenny?" Tanong niya.

"Uhmm. She answered a phone call. Something important daw." Sagot ko.

Tumango lang si Gale. Binalik niya ulit ang titig sa dagat.

Maingat niyang ibinuka ang dalawang kamay na tila niyayakap ang hangin na parating. Huminga siya ng malalim tapos ibubuga rin pagkatpos, tila nilalasap ang sariwang dulot ng hanging dagat.

"Ang lawak ng dagat ano? Hindi mo alam kung hanggang saan ang dulo ngunit maraming opportunidad para makahuli ng isda." Malalim niyang sabi.

Sinundan ko ng tingin ang sinuyod ng mata ni Gale. Ngumiti ako sa ideya na sinabi niya.

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon