Kabanata 6

943 21 0
                                    

Confused

Mabilis akong tumakbo patungong 5th floor. Kahit na may nababangga ako ay hindi ko na pinansin.

Halos mapahawak ako sa dingding ng marating ko na ang harapan ng klasroom namin. Hingal na hingal ako dahil sa pagmamadali. Inayos ko muna ang sarili ko bago pumasok.

Hinanap ko agad ang mga kasama ko at hindi naman ako natagalan dahil itinaas agad ni Bryan ang kamay niya para senyasan ako.

Lahat sila ay nakatingin saakin kaso sa ngayon ay wala akong pakialam. Wala ako sa mood para sa atensyon nila, ng kahit sino.

Umupo ako sa tabi ni bryan.

"Oh. Are you okay? You look so haggard?" bati ni Bryan.

Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa ayoko ngayong makipagbiruhan.

"Why you didnt tell me?" napa-O nalang sila saakin. Alam kong naintindihan na nila ang punto ko.

"Nagtie kayo sa ranking ng exam." Hindi patanong kundi kumpirmasyon yun galing kay Selena.

Tumango ako.

"Actually Al. Ngayon lang namin nalaman, sinabi ng mga kaklase natin." saad ni Katherine.

"List lang ng name per section ang nakapost kanina. Wala pa yung listahan ng top 10. Hindi ko din alam na nakapasok ako. Kalalaman ko lang din." sabi ni Jennifer.

Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa mga narinig.

"Tska girl. Sabihin man namin o hindi malalaman mo din lang naman... Kaya surprise!" sabay taas ng kamay ni Bry at pumalakpak pa.

Hindi ko talaga alam kung ano ang mararamdaman. Masaya ako dahil sa pumasok ako sa star section pero.. Ang makatie siya ay hindi ko alam.

"Usap-usapan ka ngayon. Unang pagkakataon kasi na hindi lang si Andrei ang top sa entrance exam. Never pa siya nahabol ng kahit sino, ikaw palang. Siya ang first honor sa klase namin ever since elementary." kwento ni Jen.

Really?

"So, you are Allona Moniqué?" sabi saakin ng babae. Actually tatlo sila ngayon sa harap ko pero yung nasa gitna lang ang nagsalita.

"Yes."

Tinignan niya ang dalawa niyang kasama. Bigla lang niya akong pinagtaasan ng kilay na kinagulat ko. Nakipag-apir siya sa mga kasama at bumaling ulit saakin.

"Hindi porke tabla kayo ni Andrei e matalino kana. Naswertehan mo lang naman yun." Sabi nung nasa gilig niyang babae, alipores ata neto.

"Wala naman akong sinasabing ganoon." mahinahon akong sumagot. As much as possible ay ayokong makipag-away lalo na sa mga katulad nito.

"C'mon girl. Huwag kang mayabang." Pagtataray ng isa pa. They want catfight? Hindi ko sila pagbibigyan.

Nakita ko ang paniningkit ng mata ni bry kaya hinawakan ko siya agad sa kamay. Bigla namang lumambot ang ekspresyon niya.

Narining namin ang tawanan na papasok sa klasroom kaya agad kaming napalingon.
Andito na si Andrei at mga kaibigan niya, as usual kahit uniform ang suot niya ay bagay padin.

Dahil sa pagdating nila ay umalis nadin ang tatlong babae na nagtataray saakin kanina. Pero bago umalis ay nagsmirk pa silang tatlo ng sabay. Hirap kapag transferee. Nabubully.

"May araw din sila." bulong ni bry.

Hindi ko nalang sila tinignan ulit at tinuon ko nalang ang atensyon ko sa schedule namin. English ang first class. Ayoko ding tignan ang mga kapapasok lang kaya inabala ko nalang sarili ko.

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon