Kabanata 21

557 10 0
                                    

Kilig

"Paano niyo nalaman? At isa pa, anong alam niyo?" Bulong ko sa dalawa.

I'm puzzled.

"Maraming time para pag-usapan yan. For now, just be true to yourself." Iyon ang sinagot ni Bry.

Nilingon ko si Jen ngunit puro tango lang ang tinugon niya saakin.

"Wait... don't tell me, kaya niyo ako dinala dito kasi-" Hindi ko na nadugtungan pa ang sasabihin ng biglang may tumikhim sa gilid ni Bry.

Kung paano at kailan nakapunta doon si Andrei ay hindi ko na namalayan. Ang tanging alam ko lang ay nakailang tikhim na siya ngunit hindi parin natitinag si Bry.

"Man, ang daming upuan. Makikisiksik ka pa diyan?" Pang-aasar ni Rogue habang tumatawa.

Bigla siyang nilingon ni Andrei at tinignan ng masama.

Makalipas ng ilang segundo ay biglang nagseryoso ang mukha ni Rogue, tila may narealize siya kaya biglang nagliwanag ang kanyang mukha.

Halos hindi maipinta ang kanyang mukha ng ilang ulit niyang kinusot ang mata at itutok ang titig saakin tapos pabalik kay Andrei.

"What the fuck, dont tell me she-.. she-.." Hindi makapaniwalang turo saakin ni Rogue.

Sinipat ni Andrei ang daliring nakaturo nito na nakaturo saakin. Hindi narin niya nagawang ituloy ang sasabihin.

"Shut up, man. And don't you ever point your finger on her!" Iritadong anas ni Andrei.

"Fuck! Fuck! I'm sorry pero fuck ulit! Dammit! Kaya pala your name is too familiar. Kanina ko pa iniisip kung saan ko narinig." Tumawa siya ng napakalakas na nakakuha sa atensyon ng mga kalapit na table.

Tinaas niya ang kanyang kamay bilang pagsuko ng lingunin ulit siya ni Andrei, doon na laman siya natigil sa pagtawa.

"Bryan Keith." Matigas na bigkas ni Andrei.

Napatayo agad si Bryan dahil sa tensyon na hatid ng boses ni Andrei.

"Ikaw naman, Andrei. Hindi ka na mabiro. Pinainit ko lang naman saglit yung upuan para sayo eh. Malay mo baka saakin ka pala may spark?" Malambing na sabi ni Bry habang hinawakan sa balikat si Andrei.

Sinundan ni Andrei ng tingin ang mga kamay ni Bry hanggang si Bry na mismo ang kusang bumitaw.

"Sabi ko na nga eh, aalis na ako sa harap mo. Chaka ng lalakeng ito!" Pagsusuplada ni Bry habang papunta sa bakanteng upuan.

Umupo si Andrei ng may isang pulgada ang layo saakin. Hindi ako gumalaw dahil sa bigat ng aking pakiramdam dulot ng kakaibang damdamin na tila umuugat na at malalim na ang pinangagalingan.

"Don't me, Andrei ha! Kapag ako nagbeastmode ng major major, next time na favor mo to the highest level na NO!" Inis na baling ni Bry habang sumisimsim ng juice.

Humalakhal si Jennifer dahil sa sinabi ng aming kaibigan. Tumayo siya para lapitan si Bry. Umupo siya sa tabi nito para yakapin.

"Ikaw naman, Bry. Matagal ng hinintay ni Andrei ang pagkakataong ito. Kung hindi ka pa naliwanagan ay hindi mo naman siya gugustuhing tulungan diba? Huwag mo na pahirapan pa." Pang-aalo ni Jen sa aming kaibigan na nagttrantums.

Hindi parin umobra iyon dahil nanatiling nakasimangot si Bry.

"Hayaan na natin si Andrei, bro. Matagal yan nangarap." Pang-aalaska ni Rogue.

Halos mamula ang mukha ni Andrei dahil sa huling sinabi ni Rogue. Yumuko siya at nagkamot ng batok.

"Thank you, Guys! I owe you this one." Ngiting pasalamat niya.

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon