Kabanata 2

1.2K 28 0
                                    

Pagbabalik

Rinig na rinig ko ang tawanan nila mommy sa living room. Naunang pumasok ang dalawa kong kapatid, dahil sa mas matangkad sila saakin ay hindi naman ako namalayan na nakapasok sa bahay.

"Nariyan na pala kayo. Nasaan si Allona?" halata ang pagtataka ni mommy. Binigyan akong daan ng dalawa kong kuya para makita nila.

"Here I am mommy. Surprise!" Halos napatayo si mommy at daddy ng masilayan ako. Tumakbo ako para yakapin silang mahigpit. Hinalikan ni daddy ang noo ko at hinaplos ni mommy ang buhok ko.

"Look at you. You are already a woman. A gorgeous woman." hindi makapaniwalang diin ni daddy.

"Almost dad. Already and almost aren't the same." sabat ni kuya franco na hindi naman pinansin ni daddy. Sungit ng mokong.

"Atee.." tawag saakin ng isang batang babae kaya napalingon ako.

Kasama niya si lola na galing kusina. May hawak si lola na cookies, panigurado ay siya ang nagbake. Binalingan ko naman ang bata na nakasuot ng pink dress while holding a 3 roses (white, red and pink) Her white skin, rosy cheeks, red lips and straight hair. We have the resemblance except sa buhok kung natural na kulot sa dulo.

I smile at her. "Ally." Sinalubong ko siya at binuhat para yakapin. Kaybilis ng pagdaan ng panahon, hindi ko namamalayan.

"I miss you ate. This is for you. I hope you like it."  Parang may humaplos sa puso ko. Bukod sa paborito ko ang rosas ay isali mo pa ang pagpupuppy eyes ng bunso namin.

"Of course I like it, much more since it came from you. I miss you too." I replied. I kissed her temple and hugged her tight. How I wish, mabantayan ko siyang lumaki. She's my minime.

"Allona, magpapaliwanag ka pa baka nakakalimutan mo." Saad ni kuya Franco. Umandar naman pagkapossessive niya. Binaba ko naman si Ally para makaharap sa kanya.

"Paliwanag saan?" Pagtataka ni mommy.

"Kasi mommy. May pumoporma kay Al. Kaya itong si Kuya, umandar naman pagiging possessive niya."  sagot ni kuya franz habang nakatingin saakin.

Nag-iba ang expression ni daddy, napahawak siya sa mesa at tumingin saakin.

"Is that right Allona Monique?" Tipid na baling ni daddy.

"Ferdinand, Allona is a responsible child. Matalino ang apo ko at hindi siya kahit kailanman nagbigay ng sakit ng ulo." Singit ni lola kay daddy.

"Alam ko naman yun mama. Gusto ko lang malaman ang side ng anak ko." Pagpapaliwag ni daddy.

"Dad. Luis is just a good friend. Maliwanag sakanya yun. And beside, my only focus is my study." I replied at inakbayan si dad para pagaanin ang loob niya.

"Kaya ako hanga sa batang to. May plano sa buhay." Pagsang-ayon ni lolo at kinindatan ako.

I am not the favorite. Or should I say there's no favorite rule in the family. We appreciate all things from each member. Sanay kaming nagbibigay ng positive feedback sa tamang ginagawa ng bawat isa. Yun ang turo nila lola at lolo. Motivation daw yun. Kaya ni isa aming magkakapatid ay walang bulakbol. Except nalang sa pagiging playboy ng mga kapatid ko.

Habang kumakain ay puro business ang usapan. Ngayon ko lang napansin na may kulang.

"Where is Kuya Francis?" Siya ang panganay saamin. 2nd year college at business management ang kurso niya.

"Nagpaiwan sa mansyon. Brokenhearted kasi kay Tonette." Maagap na paliwanag ni kuya franz.

"Who's tonette?" Being far from them is the reason why I didn't even have the chance to know their personal matters.

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon