Kabanata 3

1K 17 1
                                    

Allona Monique Gracias Monte De Ramos

Dahil sa kabilang kami sa mayamang angkan ng Davao ay naghanda sila ng salu-salo upang maipakilala ako.

"Ate. Gumising kana." yugyog ng kapatid ko.

"Maaga pa ally. Please. Give me time to sleep." dahil sa naninibago ako sa lahat ay hindi ako agad nakatulog.

"Inutusan ako ni daddy to wake you up ate. Ikaw nalang hinihintay." nakabusangot na siya habang kinukurot pisngi ko.

"Okay. Just give me a minute. Maliligo lang ako." nag-inat inat ako bago umupo.

Akmang papasok na ako sa CR ng katukin ni Kuya Francis ang pinto ko.

"You need to get ready dear." mahinahon ngunit maawtorisadong sabi niya.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Marahan kong binuksan ang pinto ng maamoy ko ang bango na dulot ng mga bulaklak na bumalot sa aming bahay.

Abala ang lahat sa pag-aayos para sa okasyon ng pagpapakilala saakin. Kita ko na pinalibutan ng nga iba't ibang kulay ng rosas ang buong paligid. Mukhang maraming pupunta dahil sa garbo ng bawat sulok.

"Bonjour" Ngumiti ako at nilapitan sila mommy at daddy para humalik sa pisngi. Ganoon din sa aking mga kapatid.

"Are you ready?" saad ni mommy ng iabot ang kulay mint green na invitation. Nalula ako sa haba ng listahan ng mga dadalo

"Is this too much mom?" halos hindi ako makahinga ng maayos sa gulat

"Si papa ang nag-invite sa iba riyan anak. Dahil malapit nadin ang eleksyon." sabi ni mommy habang hinahawakan ni daddy ang kamay niya. They are still sweet. I admired them.

"Hindi kaya mabigla si Allona niyan dad. She's not used to politics. She may get overwhelmed." pagdepensa ni kuya franco.

"She will be. We will guide her. And beside ipapakilala siya kaya dapat espesyal." kinindatan ako ni daddy. I smiled.

Tanghali na ng magsimulang magdatingan ang mga kamag-anak namin. Dahil sa malaki naman ang bahay ay dito na din sila maghahanda para mamaya. Wala akong halos kilala sa kanila kaya halos mangapa ako at wala ng ginawa kundi ngumiti.

"What do you prefer for your hair darling?" tanong ng hairstylist na si Vladimir. Matagal na siya bilang hairstylist ng pamilya kaya tiwala na ako sa taste niya.

"I would like to emphasize the curly end. Just put light make-up please" since hindi ako marunong ay mas magandang simple lang ito.

Buong oras akong nakapikit at hinayaan lang siya na maglagay ng kung anu-ano. Halos dalawang oras ang tinagal ng pag-aayos saakin. Huli ay ang pagsuot ng mint green na gown na gagamitin ko sa buong party.

Hindi mawala ang tingin ko sa gown ng makaharap ako sa salamin. Sarili ko itong desenyo. Deep v-line sa harap na tama lang at hindi gaanong malaswain,  hapit na hapit sa aking katawan kaya kita ang hubog nito. Kumikinang din ang mga sequence na nakapalamuti rito na ako mismo ang pumili.

Pataas ang aking tingin ng matigil ako sa aking mukha. Halos mamangha ako sa aking nakikita. Binagay ang kulay ng make-up sa kulay ng aking balat. I am a woman!

"For the final touch, you should wear this."  sinuot ni mommy ang isang golden necklace na  "A" ang pendant. May tatlong diamonds ito sa bawat sulok.

"Better." she smiled and hugged me. Kita ang pamamasa ng gilid ng mata niya habang nakatitig saakin.

"Mom, are you okay?" pag-aalala ko.

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon