Kabanata 18

549 16 0
                                    

Comeback

Namulat akong walang ina o kapatid sa tabi ko. My dad said, mom died while giving birth. Kaya naman laking tuwa ko nung ipakilala saakin ni Daddy si Tita Samantha.

I was five years old that time and my only wish is to have a complete family kaya noong dumating si Tita Sam ay tuwang tuwa ako.

"Tita, are they a he or a she?" turan ko habang nakadikit ang tenga ko sa tummy niya.

"Well, let's see kung anong sasabihin ng ultrasound. Pwedeng he or she or both." She chuckled.

"No matter the gender is, I promise to love them with all my heart, Tita." I raised my right hand and put it on my chest conveying that I am serious.

Yeah, I thanked God every night ever since I learned that I'm having a twin siblings. Baka masyado siyang naawa saakin kaya binigyan niya ako ng bonus playmate.

"Andj, how many times I would tell you to call me 'Mom'?" Pagtatampong tono niya.

"Baka kasi ayaw ng mga baby na makihati ako." Pero ang buong atensyon ko ay sa tummy niya na hawak ko. I'm contented dahil may mother figure ako pero alam ko kung saan ako dapat lumugar.

She held my hand and caress it with her cheek. Nag-angat ako ng tingin sakanya. She planted a tiny kiss and smiled to me.

"You are my son. I gave birth to you from here." Pinaglakbay niya ang kamay ko papunta sa parte ng katawan niyang may tumitibok.

"Mula ng minahal ko ang daddy mo at siyang simula rin ng pagluwal ko sayo." I saw her shed tears.

I feel hurt and peace at the same time. I'm grateful to what life offered in front of my eyes. Ngunit ang saya ay talagang panandalian lamang. Nakalimutan kong hindi pala dapat ako laging natutuwa sapagkat maaaring mabawi sila agad saakin.

Life was so unfair. You will never have the things you wanted it to be. May sariling ikot ang tadhana at minsan taliwas pa ito sa gusto mo.

"Doc, please save my wife and my kids." Iyak ni Daddy habang nakaluhod sa harapan ng doktor.

Supposedly, masaya dapat ang araw na ito dahil baby shower para sa kambal. Naalala ko pa nung sinabi ni Tita Samantha na ako daw mag-isip ng pangalan kaya panay pangungulit ko kung seryoso ba siya.

"Sir, nahuli na po namin yung driver ng truck na bumangga sainyo." Sabi ng Pulis.

"Huwag niyo silang hahayaang makatakas. Oras na may mangyaring hindi maganda sa mga mag-iina ko, magbabayad sila!" Nagwawala na si dad habang pinapakalma siya ni Lolo at Tito Ali.

Nanlamig ang buong katawan ko. Maski sakit ng sugat sa noo ko ay hindi ko na maramdaman dahil sa kirot ng puso. It's happening again, maghahangad nanaman ako ng buong pamilya pero sa pagkakataong ito hindi ko na ata kakayanin pang maulit pa. Ang maging masaya tapos biglang mawawalan ng rason para tumawa.

"Andrew and Andrea" iyon ang mga titik na nakaukit sa jar na pinaglagyan sa abo ng mga kapatid ko.

Ayaw ni daddy na ilibing sila kaya he decided to cremate them and build a mausoleum for the family. 

Bakit sila pa? Bakit hindi nalang ako ang nawala? Bakit mag-isa ulit ako?

I was so devastated that time but my dad was way worst lalo pa ng matapos ang ilang buwang pagkaka-comatose ni Tita Samantha ay nawala rin siya saamin.

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon