Kabanata 29

578 16 0
                                    

Enough

Masinop kung hinahalinhin lahat ng gamit ko sa loob ng maleta. Sinisiguradong wala akong maiiwan pwera nalang ang puso ko na hanggang ngayon ay hindi ko na alam kung saan na napadpad.

"Gusto mo bang umurong? I can tell your Lola na hindi ka na makakasama." Nag-aalalang tanong ni Mommy.

Higit isang oras na ang nakalipas ngunit hindi ko parin natatapos ang pag-aayos. May kung anong enerhiya ang humihigop saakin upang bagalan ang ginagawa pero buo na ang desisyon ko at hindi na mababago pa.

Umiling ako.

I know at some point in life my mom knows where my pains were coming from. I didn't tell anyone why I decided to leave so sudden but except for the fact that it would be for the better. For his.

Hinaplos ni Mommy ang aking buhok na mas nagdala saakin sa bangin ng lungkot. Just a swift touch from her triggers the unrevealing sadness into my soul.

Yumuko ako kasabay ng pagtutubig ng aking mata ay ang pag-amin kong hindi nga ako okay.

Suminghap ang aking ina at hinala ako para aluhin. I never felt so unsure in my whole life, ngayon palang.

"My daughter, bakit mo kailangan pagdaanan lahat ng ito?" Lintanya ni Mommy habang kinakausap ang hangin.

Sa bawat hikbi ko ay may lamang dusa. Sa bawat patak ng luha ko ay may karadagang pait. Sa bawat hinga at kurap ko ay may bahid ng sakit.

"Ang sakit sakit." Saad ko at humagulhol na ako sa braso ng aking mahal na ina.

"Shhhh. Mawawala rin yan anak." Pag-aalo ni Mommy na panay na rin ang singhap.

Humiwalay ako sakanya at tumitig sa kanyang mata. Doon ko nasalamin kung gaano kasakit sa isang ina na makitang nagkakaganito ang anak. Her eyes and nose are red, basa na rin ang pisngi niya.

I swear to God. I am lucky to have my mom around.

"Kailan po ba naging masama ang magmahal?" Buong pait kong tanong.

Bumuga siya ng hangin at maingat na dinampi ang dalawang kamay sa aking magkabilaang pisngi. Lumunok siya at pumikit ng mariin na naging dahilan upang umagos ang mga naipong luha sa kanyang mata.

"I know life is cruel. Hindi ko masasabing wala pang basehan ang nararamdaman mo dahil lang sa bata ka pa ngunit sa nakikita ko alam mo na ang masakit sa masaya. Hindi kailanman naging masama ang umiibig at mahalin. Kailangan lang ng timing, anak. Iyon siguro ang kulang sainyo." Pagpapaintindi niya saakin.

"Am I selfish, mom?" Singhap ko.

I am so miserably sad right now that all I have is hesitation.

Umiiling siya.

"You are the bravest, anak. You are the mightiest soldier. You will get through this, I know. Time will heal you until it hurts no more. Use this experience as an opportunity to grow. Be patient. God will take care of your heart." Bulalas ni mommy at yinakap ulit ako.

Hindi ko lubos na maalala kung gaano ako katagal umiyak kagabi. All I know is that I cried my heart out until I fall asleep on my mother's arm.

I wake up early to take my last jog before I leave. Gabi pa naman ang flight ko kaya marami pa akong pwedeng gawin.

I stood up straight infront our house. Pinagmasdan ko itong mabuti. Dalawang taon rin akong namalagi dito at maraming alaala ang maiiwanan ko. If only I can stay longer or just leave here kaso hindi pwede.

"Ija." Tawag saakin ni Daddy na hindi ko namalayang nasa bungad na pala ng pintuan.

Mula ng magdesisyon akong bumalik sa bahay at isatinig ang gusto kong pag-alis ay umaayos na ang pakikitungo niya saakin.

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon