Chapter 8

458 21 1
                                    


Risha's POV

"Risha!" Pagbabang pagbaba ko ay agad akong sinalubong ni Chief Marasigan. Sya ang madalas na nakakausap sakin tungkol sa mga kriminal na kelangan ng psychological counseling. Sya din ang nag aayos ng mga kaso ng mga kriminal once na magaling na sila.

"Chief, anong ginagawa nyo dito?" Ang pagkakaalam ko kasi ay next week pa ang deadline ni Mico. At wala pa naman akong bagong pasyente. Syempre bukod kay Jaxx.

"Alam mo ba kung nasan si Lucas?" tanong niya sakin.

"Si Lucas? Hindi ko po alam huli ko syang nakita nung Linggo. Miyerkules na ngayon at ang huling pagkikita naming ay nung pinakulong nya ko.

"Nabalitaan kong pinakulong ka daw ni Lucas? Sira ulo talaga yun. Pag pasensyahan mo na." Sa totoo lang isa akong undercover, tanging mga nasa matataas lang na pwesto sa pulisya ang nakakaalam ng trabaho ko. Kaya naman hindi ako kilala ng mga pulis doon sa presinto.

"Ah, haha o nga po eh. Pag nakita nyo pakibaril naman kahit isa lang. Hahaha" Pagbibiro ko.

"Hahaha." Pag katawa nya ay bigla syang tumahimik.

"May kailangan ba kayo sakin?" Tanong ko sa kanya. Imposible naman na na pumunta pa sya dito para itanong lang kung alam ko kung nasan si Lucas. Pede nya naman akong itext o tawagan.

"Ang totoo nyan..." Naputol ang sasabihin nya, mukang nag dadalwang isip pa sya kung sasabihin nya sakin.

"Ano po yon?"

"Alam kong nandito si Jaxx." Nagulat ako sa sinabi nya. P-pano?

"P-pano nyo nalaman. Kukunin nyo ba sakin?" Di pedeng kunin nila sya sakin.

"Delikado sya Risha, mapapahamak ka lang. Isa pa sobrang lala na ng kaso nya, pinagpasyahan ng judiciary na patawan sya ng execution." Wait, papatayin sya? Kung sabagay madami na din naman syang napatay, pero hindi pede kelangan ko sya! "Ibigay mo na lang sya samin para sa ikakabuti ng lahat." Napansin ko naman na may mga kasama pala syang back-up. Siguro ay nasa mga sampu sila.

"Pero Chief! Hindi pede gagamutin ko sya! Bayaan nyo sya dito. Bigyan nyo ko ng panahon."

"Risha, hindi maaari, mas masahol pa sya sa baliw, wala na syang pag-asa. Wala na syang moralidad! Ibigay mo na sya samin."

"Isang buwan! Bigyan nyo ko ng isang buwan! Pangako magagamot ko sya!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Naiiyak ako, hindi pede, ang plano ko!

"Risha hindi p-"

"Please! Ngayon lang ako makikiusap, kelangan ko sya." Hinawakan ko ang kamay nya at nagmakaawa. "Isang buwan. Bigyan nyo ko ng isang buwan, pag hindi ko sya nagamot bahala na kayo kung anong gusto nyong gawin sa kanya. Please." Tumulo na ang luha ko. Kelangan kong umarte para pagbigyan nya ko.

"S-sige na. Isang buwan lang Risha." Medyo nagdadalwang isip na sabi nya.

"Pangako isang buwan. Salamat Chief!" Agad ko syang niyakap dahil nagpapasalamat ako sa kanya. Alam ko naming hindi nya ko matitiis matagal na kami 'nagkatrabaho' kaya naman kahit papaano ay masasabi kong may 'pinagsamahan' na kami.

"Bibisitahin ko sya isang beses sa isang linggo upang makita kung may pagbabago." Tumango lang ako bilang sagot.


"Sige, aalis na kami. Ikaw na ang bahala sa kanya. Nagtitiwala ako sayo. Kaya mo yan." Agad syang tumalikod at umalis kasama ang kanyang mga alipores. Sisiguraduhin kong gagaling sya sa loob ng isang buwan.


3 days. Tatlong araw na ang nakakaraan pero wala pa ding nagbabago kay Jaxx. Hindi pa din sya kumakain at palagi lang syang nakatingin sa kisame. Kapag lalapit naman ako sa kanya ay masamang tingin lang ang ibinibigay nya sakin. Ipinaliwanag ko na sa kanya ang kondisyon ng mga pulis.

"I would rather die than being treated as a fvcking pet." Yan lang ang sinabi nya. Haay, baliw talaga hindi man lang naappreciate ang effort ko para maligtas sya. Madaling sabihin na gusto mong mamatay pero kahit anong gawin mo, matatakot at matatakot ka pa rin.

"Kumain ka na nga. Ang payat payat mo na oh. Pano ka gagaling?" Imbis na sumagot ay inirapan nya lang ako. Nakakainis na ah. Pinasara ko muna ang clinic ko at pansamantalang hinid muna tumatanggap ng mga bagong pasyente dahil sya muna ang priority ko, pero eto lang?hayys.. Isang buwan lang ang meron ako kaya wala dapat akong aksayahing oras. Mukang mahihirapan ako.

"Fine! Kung ayaw mo kumain maligo ka na lang. Ang baho mo na." Limang araw na sya nandito at hanggang ngayon ay yung damit nyang duguan pa rin ang suot nya. Sinubukan ko syang palitan ng damit pero syempre magwawala lang sya. Wala ng ibang paraan.

"Ganto, tatanggalin ko ang posas mo para maligo." Napatingin naman sya sakin at may mukang masama syang binabalak. Kung inaakala nyang makakatakas sya pwes nagkakamali sya, kagaya ng sinabi ko dati walang mga bintana o kahit na anong vent ang pede nyang daanan dito kaya kampante ako kahit tanggalin ang posas nya.

Kaya ko lang naman sya pinosas ay dahil sa baka magwala sya, pero sa tingin ko naman ay wala na rin syang balak dahil narealize nyang balewala din iyon.

Lumabas ako saglit para kunin ang susi ng posas at ng damit nya, isang hospital gown. Kumaha rin ako ng isang underwear, ito yung underwear ni Mico, nakihiram ako, hindi nya naman malalaman iyon, sana lang ay may ka size sila ni Jaxx. Si Jane na ang bahala kaya Mico total ay may isang linggo pa naman sya dito at mukang gumagaling na sya.

"Jane, siguraduhin mong nakalock lahat ng pintuan."

"Yes doc, ako na po ang bahala." Tumango ako sakanya at dumiretso na uli sa kwarto ni Jaxx. Kasunod ko sya.

"Ilock mo na ang pinto." Huling sabi ko sakanya bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ni Jaxx. Nasa labas ang lock ng pintuan nito ay may passcode kaya walang makakalabas sa kwarto na to pwera na lang kung buksan ng nasa labas. Sesenyasan ko na lang si Jane mamaya. May cctv naman ang kwartong to kaya paniguradong makikita nya ko.

Lumapit ako kay Jaxx at tinanggal ang pagkakaposas nya. Hinagis ko sa kanya ang mga damit nya.

"Andun na yung towel sa loob. Hihintayin kita di-" Di ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya kong sinakal halatang galit ang mga mata nya. Aaminin ko medyo natatakot ako, pero kagaya ng sinabi ko dati sanay na ko.

"A-ack sa- t-tingin mo ba may mangyayari kung –ma-patay mo-man a-ako." Nahihirapan mang magsalita ay sinabi ko yun sa kanya. Imbis na tumigil ay mas lalo nya pang hinigpitan ang pagsakal nya sakin. Nahihirapan na kong huminga.

Matapos ng konting pagpupumiglas ay pumikit ako at nagkunwaring patay na. Mayamaya lang ay naramdaman kong kumawala na sya sa pagkakasakal sakin. Psh, uto-uto. Natutunan ko ang move na ito dahil nga, sanay na ko.

"Bitch." Narinig kong sabi nya bago tumayo at naglakad.


____________

A/N: I dedicate this to you kasi ikaw una nakabasa at nagvote ng story. Thank you. Keep supporting :D

A Criminal Lover ||VRene|| [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon