Risha's POV
-Day 3-
Sa tatlong araw na nakalipas matapos yung insidente sa banyo. Kumakain na si Jaxx, yun nga lang mga tatlong subo lang ng pagkain ang ginagawa. Haay, pero kung tutuusin ay mas maayos nay un kesa hindi talaga sya kumain. Hindi na rin sya nagtatangkal tumakas kaya naman kompyansa akong madali ko syang magagamot. Yun nga lang gumagaling na din ang mga sugat nya kaya naman medyo kinakabahan ako dahil baka ngayong may lakas na sya ay tuluyan nya na kong patayin.
Papunta ako ngayon sa kwarto ni Jaxx. Pagkapasok ko ay nakahiga lang sya at nakapikit ang mga mata. Natutulog kaya sya?
"Jaxx." Tawag ko sa kanya. Pero hindi sya sumagot o minulat man lang ang mga mata. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan sya. Sino ba ang mag-aakala na sa likod ng maamong mukang ito ay nagtatago ang isang demonyo.
Ang haba pala ng pilikmata nya, pati ang ilong nya ay napakatangos. Habang pinagmamasdan ko sya ay bigla syang nagising.
"The fvck you're staring at?!" To naman bagong gising highblood agad.
"Baka kasi bored ka na kaya dinalaw kita." Sagot ko naman sa kanya.
"Tss."
Nilabas ko ang latigo sa aking bulsa. Agad namang nabalutan ng takot ang kanyang mga mata.
"Naaalala mo to?" Imbis na sumagot ay napapikit sya at mukang takot na takot sya. Mukhang tama ang hinala ko.
*Flashback*
Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nakatingin sa kisame. Pilit kong iniisip ang kalagayan ni Jaxx, kung bakit sya nagka ganon at kung pano ko sya matutulungan.
Agad ko namang naalala ang mga latay ng latigo sa kanyang katawan habang sinasabunan ko sya. Posible kayang may kinalaman yon?
*End of flashback*
Lumapit ako kay Jaxx at ibinigay sa kanya ang latigo. Agad nya naman itong itinapon na para bang napaso sya.
"Kelangan mong harapin ang takot mo. Hindi ka gagaling kung habang buhay mong pagtataguan ang nakaraan." Siguro ay natrauma sya nung kabataan nya kaya sya nagkaganto.
"Fvck off! You don't know a thing.!!" Galit na bulyaw nya sakin.
"Then tell me. I'm more than willing to listen."
"Get lost!" Agad syang tumayo at ipinagtulakan ako. Agad ko namang kinuha ang latigo at pinalo ito sa hangin.
*woosh* (tunog ng latigo)
Agad syang napabitiw sakin at nagtago sa ilalim ng kama nya.
*woosh* muli kong pinatunog ang tunog ng latigo. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at nakikita ko ang panginginig nya. Gusto ko sana matawa kasi ang cute nya kaso hindi ito ang panahon para doon.
Hinila ko sya palabas ng kama.
"Lumabas ka dyan, walang magagawa ang pagtatago mo." Hinihila ko pa din sya pero sadyang malakas sya kaya naman imbis na sya ang hilahin ko ay tinulak ko ang kama, may gulong ito kaya naman madali ko itong naiusod.
"D-don't come n-ear me. *sniff*" Umiiyak sya ngayon, ganon ba sya katakot? Ayaw ko man nito ay eto lang ang tanging paraan para gumaling sya. Kelangan kong ipaalala sa kanya at tulungan syang matanggap ito upang malimutan nya na ito.
"Shh." Agad ko syang niyakap at pinapatahan.
"I-I'm scared."
"I know. I'm sorry." Siguro ay masyado pang maaga para dito. Pero 26 days na lang ang meron ako. Mahaba pa ang proseso na kailangang pag daanan.
BINABASA MO ANG
A Criminal Lover ||VRene|| [Completed]
Fiksi UmumHe's crazy... He kills... He forgot humanity... Everyone hates him. Everyone fears him. And yet here I am, loving him. I am a criminal lover.