Risha's POV
"Boss nagkakamili kayo, bat nyo ko ikukulong? Pasyente ko yang lalakeng yan." Sabay turo ko kay Luke, pasyente ko.
Kanina pa ko dito sa prisinto mula ng dakipin nila ko habang hinahabol ko tong ulupong na si Luke. Nag sumbong kasi si Luke sa mga pulis na kinidnap at hinaharass ko daw sya.
"Sir wag kayo maniwala dyan baliw po yan, hinaharass nya ko. Patay na patay sya sakin kaya nya ko sinusundan." Sabi ni luke. Tang inang yan. Ang kapal ng muka ng mokong na to.
"Halina ka ditong tanginang kapal ng mukha mo!" Sinusubukan kong abutin si Luke mula sa pagitan ng mga rehas. "Umayos ka! Sabihin mo yung totoo!"
Imbis na sundin ako ay tumawa lang sya.
"Sir, pramis! Doktor ako. Isa akong registered psychiatrist. At yang lalaking yan ang baliw! Pasyente ko sya! Pakawalan nyo ko papakita ko sa inyo ang I.D. ko."
"Miss sa totoo lang mas muka kang baliw kesa sa kanya. Tumahimik ka na lang dyan." Puta! Watdapak. Bat kasi sa dinami dami ng araw ngayon ko pa nalimutan ang ID ko. saka teka. Sa ganda kong to muka akong baliw?!
"Boss kayo na po bahala sa kanya aalis na ko." Sabi ni Luke.
"Teka Luke!! Hindi ka pa bayad sa mga medical fees mo! Oy!!!" Ang totoo nyan magaling na si Luke, nagkaron sya ng PTD or post-traumatic disorder ng mapatay sa harap nya mismo ang mga magulang nya. Technically wala na syang magulang pero sure akong madami syang pera. Mayaman sila eh. Kelangan nya magbayad!!! Kaya naman eto ang ginawa nya sakin.. kainis ang talino ng mokong na yun.
"Boss, pakawalan nyo na ko. O kaya patawag na lang tatawagan ko lang yung kaibigan ko. Please boss!!" Pagmamakaawa ko sa pulis na nagbabantay sakin.
"Tsk sige na nga.. eto oh." Inabot nya ang cp nya kaya dalidali kong kinontak si Mich, ang kaibigan ko.
------
Habang hinihintay ko si Mich dumating may isang pulis na natatarantang lumapit sa deputy chief.
"Sir nakawala po si Jaxx."
"Ano?! Pano nangyari yun?" Agad agad umalis lahat ng pulis sa presinto at tarantang sumakay sa mga police car.
Teka lang! Wag nyo ko iwan dito.. TAT
Pero teka lang...
Nakawala si Jaxx a.k.a demon? Sa pagkakaalam ko sya yung notorious at kinakatakutang criminal sa pilipinas ngayon.
Narinig ko ang mga sirena ng sasakyan ng pulis. Mag-isa lang ako dito sa kulungan kaya naman wala akong makausap.
*boogsh*
Nagulat ako ng biglang may bumagsak mula sa kisame. Nagmula sya sa air vent. Lumapit sya sa may lock ng rehas at may ginawa sya at matapos yun ay bigla itong bumukas at dali dali syang tumakbo palabas. Naiwan akong nakatayo sa pwesto ko habang nakanganga. Shit...
ANG POGI NYA! ANG COOL NYA PA!!
Pero teka lang...
I can't be mistaken.
He's Jaxx.
BINABASA MO ANG
A Criminal Lover ||VRene|| [Completed]
General FictionHe's crazy... He kills... He forgot humanity... Everyone hates him. Everyone fears him. And yet here I am, loving him. I am a criminal lover.