doce

5.9K 191 4
                                    

celoah's pov

"Cero, kfc tayo." nakangusong sabi ko kay Cero habang naka-kapit sa braso nya. Nagugutom na kasi ako at nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan. Hindi ko naman kasi alam sa kanya kung ano talaga ang gagawin dito sa mall, eh kanina pa kami paikot-ikot dito. Mataman syang tumingin sa'kin habang nakakunot-noo bago sya nag-iwas ng tingin.

"KFC na naman? Di ka ba nagsasawa don?" napasimangot naman ako sa sinabi nya. Favorite ko kaya ang kfc. Bakit ko naman pagsasawaan?

"O sya sige na. KFC na." aniya ng makitang nakasimangot ako. Agad naliwanag ang aking mukha.

"Yey! the best ka talaga cero. Kaya love na love talaga kita." masigla kong sabi at naglakad na patungo sa KFC. Pero napahinto ako ng mapansing di nakasunod si bestfriend sa'kin. Nanatili sya sa kinatatayuan namin kanina at parang natulala. Bumalik ako sa kinaroroonan nya at pinitik ang noo nya.

"Aw! Masakit ah." daing nya saka ako sinamaan ng tingin. Sungit.

"Ba't kasi nakatayo ka pa rin dito at nakatulala. Gutom na gutom na ako." reklamo ko sa kanya. Agad namang nagbago ang ekspresyon nya.

"Oo, tara." aniya sabay hila sa kamay ko. Aray ko naman. Para lang syang nakahila ng three years old.

Pagpasok namin sa kfc ay pinahanap nalang nya ako ng bakanteng mesa at sya nalang ang nag-order. Libre nya. Alam na nya ang favorite kong kainin dito sa kfc. Ang di ko pagsasawang fried chicken at chicken pizza.

Agad nagningning ang mata ko ng ilapag na nya sa mesa namin ang mga inorder nya. Malapad akong napangiti. Pero napakunot-noo ako ng makitang inilapit nya sa'kin ang lahat. French fries at coke lang ang nasa kanya.

"Ba't yan lang yong sayo? Hindi ka ba nagugutom?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Solve na ako dito. At asdfghjklcdgsez--"

Bahagyang napanganga ako at nagsalubong ang aking kilay. Ano raw? Di ko sya maintindihan.

"Huh? Wag mo kaya akong ini-alien language." nagtataka naman nya akong tiningnan.

"Aish! Sige na kumain ka na lang. Gutom ka na di ba?" sabi nya. Inirapan ko sya saka ako nagsimulang kumain. Kinain na rin nya ang french fries nya.

Matapos naming kumain ay naglibot-libot na naman kami. Nagtataka ako sa kanya. Para syang may hinahanap. Nang tanungin ko naman ay wala daw. Hmp! Bahala sya.

Napatakbo ako papasok sa toy shop ng may makita akong malaking spongebob na nakadisplay. Lalapitan ko na sana yon ng kinuha ito ng sales attendant.

"Teka ate, saan mo dadalhin yan?" tanong ko sa kanya.

"Pina-reserve na po kasi kaya itatago ko na." aniya. Agad naman akong nanlumo.

"Ganon ba. Pero may iba pa ba kayong stock nyan?" umaasang tanong ko sa kanya.

"Wala na po ma'am eh." sagot na saka nag-excuse at umalis dala ang malaking spongebob.  Mas lalo akong nanlumo. Ano ba yan? Naunahan pa ko. Sana di na lang muna ako kumain at tumingin muna dito sa toy shop. Aish! gusto kong maiyak. Napakagat labi na lang ako para pigilan ang sarili ko. Gusto ko yon eh.

Lumabas na ako ng toy shop at hinanap si Cero sa pinag-iwanan ko sa kanya pero wala sya. Asan na ba yon? Gusto ko ng umuwi. Nakakawalang gana.
Inilibot ko ang paningin ko ngunit wala talaga akong makitang Cero kaya naisip kong umuwi nalang mag-isa. I-cha-chat ko na lang sya. Tinatamad kasi akong tawagan sya ngayon. Wala ako sa mood. Naiinis ako. Akin dapat yong spongebob eh.

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon