catorse

5.9K 196 75
                                    


9:31 pm

cero han

celoah???

you still awake?

celoah is typing...

celoah lim

um-o. why?

cero han

okay na pakiramdam mo?

celoah lim

um-o.

cero han

ba't tipid mong sumagot?

seen


nangsi-seen ka pa

labas ka dali.

celoah is typing...

celoah lim

huh???

cero han

labas ka ng bahay nyo.

celoah lim

why?

cero han

basta sige na. dali. wag ka ng matanong.


celoah is typing...

c

eloah lim

k.




*

celoah

Nagtataka ako kung bakit gusto ni bestfriend na lumabas ako ng bahay. Kahit na tinatamad ako ay sinunod ko nalang ang sinabi nya. Pero agad nanlaki ang mata ko ng pagbukas ko ng gate namin ay isang malaking spongebob na stuffed toy ang bumungad sa'kin. Si spongebob kanina sa toy shop.

Nakaawang ang bibig na lumapit ako sa may hawak nito na natatabunan ang upper part ng katawan nya pati ang buong ulo at mukha dahil sa laki ni spongebob.

"Cero." naibulalas ko ang pangalan nya ng alisin nya sa pagkakatabon sa kanya si spongebob. Nakangiti syang tumingin sa'kin.

"Kanino yan?" tanong ko habang nakaturo kay spongebob.

"Akin." mapaangat ang dalawang kilay ko.

"Kailan ka pa nahilig kay spongebob?" di naman kasi sya mahilig kay spongebob eh. Tuwing bukambibig ko nga sa kanya ito ay para syang diring-diri, na para syang naasar. Tapos ngayon ay meron sya. At sya pala ang nagpareserved kanina. Sya pala ang nakauna. Napasimangot ako ng maalala ko yon.

"Hindi pa rin ako mahilig sa kanya." nangunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Binigyan ko sya ng nagtatakang tingin. Ngumiti naman sya ng malapad. "Para sayo to."

Napakurap-kurap ako sa aking narinig. "Totoo?" di makapaniwalang tanong ko.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Napakagat labi ako para mapigilan ang mapangiti ng malapad. Patalon akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit habang hawak nya pa rin si spongebob. Agad din akong kumawala sa kanya at si spongebob ang niyakap.

"Oh my gosh! Cero, you are such an angel. Thank you so much. You surprised me and you made me so happy." tuwang-tuwang sabi ko sa kanya. Hindi lang sya knight in shining armor ko, he's also an angel in disguise. My almost everyday Santa Claus. Sobrang swerte ko't sya ang bestfriend ko.

"Your welcome. Alam kong ang esponghang to ang dahilan kung bakit sumama ang pakiramdam mo. Masaya ako't napapasaya kita." narinig ko ang sinabi nya pero ang atensyon ko ay na kay spongebob. Mahigpit ko itong niyakap at ang sarap sa pakiramdam. Ang lambot nya. "I'll do and give you everything that will make you happy cause your very special to me."  di ko klaeong narinig ang kanyang sinabi kaya napalingon ako sa kanya.

"Ano yong sinabi mong huli?" tanong ko.

"Huh? Wala." aniya na ngiting-ngiti.

" aniya na ngiting-ngiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Minsan lang yan ngumiti. Dapat nga dalasan nya. Ang gwapo kaya ng bestfriend ko. Lalo na pag di nagsusungit. Kaya nga marami ang nahuhumaling sa kanya at napakarami nyang fangirls. Ang swerte ko talaga na sa dinami-dami ng babae ay ako ang bestfriend nya.

Natauhan ako ng mapansin kong nangunot ang noo nya. Nakatitig na pala ako sa kanya.

"Thank you talaga ah. Don't worry, babawi din ako." sabi ko sa kanya.

"Tss! Hindi mo naman kailangan bumawi eh. Basta ba ayos ka lang lagi, yon na ang pinakamagandang pambawi mo." sa sinabi nya ay di ko alam kung bakit bigla nalang kumabog ang dibdib ko. Pero agad kong binalewala kong ano man yon.

"A-ah! gusto mong pumasok muna." pag-iiba ko ng usapan dahil nakaramdam din ako bigla ng pagkailang.

"Uhm! hindi na. Gabi na rin eh. May pasok pa bukas." aniya.

"Oo nga. Kita na lang tayo bukas sa school. Salamat talaga. Uwi ka na. Ingat ka ah." tumango sya bilang tugon saka ngumiti.

Pasakay na sana sya ng kotse nya ng tawagin ko sya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi na halatang sobrang ikinagulat nya. Maski ako ay nagulat din sa ginawa ko.

"Salamat uli." sabi ko at dali-daling tumalikod at pumasok na sa loob ng gate deretso na sa loob ng bahay namin.

Jeez! Anong nakain ko at ginawa ko 'yon? Siguro ay dahil sa sobrang natuwa lang ako sa ginawa nya. Sobrang pinasaya nya talaga ako.

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon