sesenta y uno

3.4K 134 65
                                    

cero's pov

"A-ah, di a-ako m-makahinga."

Niluwagan ko naman ang pagkakayap sa kanya. Hindi ko din mapigilan ang sarili kong mapaluha at mapasinghot.

"Bakit na naiyak?" tanong nya sa'kin.

"Sobra ko na kasing nami-miss ang babaeng mahal ko." ani ko at ibinaon ko ang mukha sa balikat nya. Naaamoy ko ang mabango nyang buhok. Bangong napaka-pamilyar.

"Babaeng mahal mo? Sino sya?"

"Yong kaibigan ko. Yong bestfriend ko. Sya ang kaisa-isang babaeng bukod sa mama ko na mahal ko." sagot ko sa tanong nya. "Sobrang mahal ko."

"Eh, na'san sya?"

"Wala, iniwan nya ako isang taon na ang nakalipas. May sakit kasi sya." malungkot kong turan.

"Ganon?" aniya.

"Oo. Pero kung di ako nanaginip--" pinahid ko ang luha sa pisngi ko at tiningnan sya sa mata.

"Kung di ako nanaginip, ay nandito sya ngayon at niyayakap ko." muli ko syang niyakap ng mahigpit. Ang sunod nyang sinabi ay sobrang nagpangiti sa'kin at nagpaapaw sa saya ko.

"Wag kang mag-aalala. Di ka nanaginip." sabi nyang hinaplos-haplos ang likod ko.

"Nandito na ako."

"At na-miss din kita, bestfriend."

Sa wakas nandito na sya. Nagbalik na sya.

---

an: emegesh! akala ko mag-i-ending na ako. pero, nagbago isip ko kasi--- mahal ko kayo. 😘😘😘

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon