cincuenta y seis

3.5K 129 33
                                    

cero's pov

Pagkauwi ko sa bahay namin ay naligo lang ako at nagbihis para bumalik agad sa ospital. Ayaw kong nga sanang umalis sa tabi nya kahit na saglit pero baka bumaho naman ako pag di ako umuwi. Nakakahiya naman kay Celoah pag nagising sya't mabaho ako.

Buti nalang at wala na kaming classes for one week. Charter celebration kasi ng paaralan namin.

Mabilis akong nakarating sa ospital. Deretso agad ako sa ICU. Di pa kasi sya naililipat sa private room.

Kalmado lang akong naglalakad pero ng medyo malapit na ako ay agad bumangon ang kaba ko ng makita kong nasa labas ang mama at papa nya. At parang umiiyak si Tita habang nakayakap kay Tito Ben. Malalaking hakbang na tuluyan akong lumapit sa kanila at tama nga ako, umiiyak si Tita Beth. Hindi lang basta iyak. Humahagulhol sya.

At ito na naman yong matinding takot ko.

"T-tito Ben, ano pong nangyari?" kabado kong tanong.

"Si Celoah, she's---"

Di ko na tinapos ang sasabihin nito at lumapit sa pinto ng ICU. Kitang-kita ko ang ginagawang pag-rerevive sa kanya ng doctor. Ginagamitan na sya ng defibrillator.

No, no, no. This can't be.

Sinubukan kong buksan yong pinto pero naka-lock iyon.

Celoah, please wag mong gawin sa'kin to.

Mabuhay ka please. Mabuhay ka.

Di ko na maintindihan ang nararamdaman ko ng makita kong halos straight line na ang makikita sa patient monitor. At ng oras ding yon ay naramdaman ko ang sinasabi nilang pinagsakluban ka ng langit at lupa ng tumunog yong monitor at huminto ang doctor sa pagrerevive sa kanya. Kasabay ang paghinto na din sa paggalaw ng mundo ko.

Napaupo ako sa sahig at di ko napigilang mapahagulhol.

Panaginip lang ang lahat ng to. Panaginip lang to.

Sana panaginip lang to.

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon