cuarenta y dos

3.9K 140 18
                                    

celoah's pov

Halos isang linggo ng di kami nagkakausap ni Cero. Halos isang linggo ng di nya ako pinanpasin at iniiwasan. At sobrang nakakasama ng loob. Pero di naman ako nagagalit sa kanya sa biglang pag-iba nya ng trato sa'kin. Hindi naman talaga kasi ako madaling magalit. Pero sana lang ay sabihin nya sa'kin kung ano ba talaga ang problema. Kasi ang bigat sa loob. Ang bigat sa pakiramdam. Sobrang bigat. Yong di ko alam ang rason ng kinagaganon nya. Hindi naman kasi ako manghuhula o mind reader para malaman ko agad. Pakiramdam ko tuloy, masama ako. Kasi may taong galit sa'kin at ang masaklap pa ay bestfriend ko. Di ko tuloy naiwasang mapaiyak minsan ng patago. Mababaw lang kasi ang luha ko at sa tuwing naiisip ko na di kami ok ay naiiyak ako.

Ayoko ng ganito eh. Importante sya sa'kin at ayaw kong may mga taong mahalaga sa'kin na nakakasamaan ko ng loob. Di ako pinapatulog ng konsensya ko.

Ang hirap pala ng may taong galit sayo. Ang hirap na kino-cold treatment ka ng taong mahalaga sayo. Sana naman ay kausapin na nya ako. Sana katulad uli ng dati. Namimiss ko na kasi sya. Namimiss ko na ang bestfriend ko.

Kahit naman kasi may mga kaibigan at bagong nagbalik na kaibigan ako ay iba pa rin sya. Nasanay na kasi akong lagi syang nandyan. Lagi syang kasama kahit na madalas ay sinusungitan nya ako. Immune naman na ako eh. Ang hindi ako sanay ay sa nangyayari ngayon.

Dahil sa kaiisip ko habang naglalakad ay may nabangga ako. Muntikan na akong matumba kong di ako naagapan ng nakabangga ko. At di ko maipaliwanag ang bigla nalang pagpitik ng puso ko ng maamoy ko ang pamilyar na pabango ng nabangga ko.

Nakompirma ang hinala ko ng magsalit sya. "Sa susunod, tumingin sa ka nilalakaran mo para di ka nakakabangga at ng di ka matumba. Paano nalang kong sa susunod ay di ako ang mabangga mo at di ka nya saluhin?" gulat akong nakatingin sa kanya. Kinausap nya ako. Pero ang impresyon nya, napaka-blanko.

Napakurap-kurap ako saka ako umayos ng tayo. Sya naman ay binitiwan ako.

Nakayuko ako na humingi ng paumanhin sa kanya. "Sorry. G-galit ka pa rin ba sa'kin?" lakas-loob kong tanong sa kanya habang nakayuko pa rin.

"I'm not mad at you." nag-angat ako ng mukha sa sinagot nya. At di ko na naman maintidihan ang pagtahip ng dibdib ko ng magtama ang tingin namin.

"K-kung ganon, bakit---" di ko natapos ang itatanong ko sana ng may tumawag sa kanya.

"Cero!" parehas kaming napatingin sa babaeng papalapit sa'kin. Kilala ko sya.  Ano nga ba yong pangalan nya? Celine ba yon? Basta alam ko magkaklase sila.

"Tapos na ako. Tara na." aniya ng makalapit sya sa kinatayuan namin. Ikinagulat ko pero di ko pinahalata ng agad syang kumapit sa braso ni Cero.

Kailan pa sila naging close? Ang alam ko kasi ay aloof itong si Cero sa mga babaeng. Ako lang naman kasi ang makulit na di naaapektuhan sa kasungitan nya.

"Hi!" ngumiti ang kaklase nya sa'kin kaya nginitian ko na lang din sya ng pilit. "Tara na Cero, nagugutom na'ko."

Tumango sya bilang tugon. Bago sila, umalis sa harap ko ay may sinabi sya.

"Always remember what I told you."

Pero di ang sinabi nya ang pumasok sa isip ko.

Kaya pala, tiniis nya ako. Kaya pala balewala na ako ngayon. Kaya pala wala na syang pakialam. Dahil may iba na syang kaibigan. O mas higit pa sa kaibigan.

Bakit ang bigat sa loob? Bakit parang ang sakit isipin? Bakit masakit?

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon