sesenta

3.4K 134 13
                                    


3:36 pm

cero

hi!

hulaan mo kung nasaan ako.

nasa pinaka-paborito mong park ako.

sa luneta park. tatay mo si rizal di ba, yon ang sabi mo.

ang tanga ko ngayon lang ako natawa sa biro mong yon.

pero biro lang din. nandito talaga ako sa park kung saan una kitang nakilala.

sa park kung saan nakita kitang umiiyak dahil inaway ka ng mga batang lalaki. kung kelan una kitang pinagtanggol.

sa park kung saan sinabi mong ako ang superhero plus knight in shining armor mo.

kung saan sinabi mong gusto mo akong maging bestfriend mo.

alam mo bang kontra ako ng sinabi mo yon sa'kin.

kasi ayaw kitang maging kaibigan lang.

pero pumayag na rin ako.

atleast kahit papaano ay magkaibigan na tayo.

namimiss na talaga kita.

at mas minahal pa kita habang tumatagal.

*

cero's pov

"Anong ginagawa mo?"

Natigil ako sa pagta-type pa sana sa phone ko ng marining kong may nagsalita sa gilid ko. Napakalambing ng boses nya.

Agad akong nag-angat ng ulo.

Napangiti ako ng nakita kong sino ang nagtanong.

Walang kung anu-ano ay tumayo ako at agad ko syang niyakap.

Sana di ako nanaginip lang.

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon