epilogue

5.2K 137 68
                                    


celoah's point of view

[The subscriber's cannot be reach. Please try your call later.]

Aish! Asan na ba 'yong lalaking yon. Kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya, di sya sumasagot. Nag-message na din ako sa fb. Wala ding reply. Sabi nya pupuntahan nya ako dito sa building ng collage namin pagkatapos ng klase nya para sabay ba kaming pumunta ng cafeteria. Pero natapos na din ang klase ko ay wala ni anino nya. Na saan na kaya ang lalaking 'yon. Baka nambabae na sya, humanda talaga sya sa'kin.

Dahil alangan namang maghintay ako sa kanra hanggang mamuti ang buhok ko ay napagdesisyonan ko nalang na pumunta na ng cafeteria. Gutom na kaya ako. Nagwawala na ang anaconda ko sa tyan. Nako, Cero... humanda ka talaga sa'kin.

Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng mga usap-usapan.

"Ang swerte nya talaga no. Ang sweet ng boyfriend nya. Ngayon may surprise pa. Nililigawan sya araw-araw kahit sila na." ani girl na di ko kilala. Pati naman yon kausap nya ay di ko kilala.

Sino kaya ang tinutukoy nila? Sino kaya ang may surprise kanino?

"Pareho naman silang maswerte sa isa't-isa eh. Maganda at gwapo. Bagay na bagay. Pareho pang mabait " sabi ng kaibigan nya. Wow ha! kilalang-kilala nila.

Nasa unahan ko kasi sila naglalakad kaya naririnig ko. Medyo may kalakasan pa ang mga boses nila.

"Ang dinig ko ay magbestfriend daw silang dalawa since elementary. Ang galing, naging sila." ow! parang kami lang ni Cero. Napangiti ako sa isiping yon kahit na medyo naiinis ako sa kanya ngayon.

Ni minsan noon ay di ko naisip na darating kami sa puntong ito ngayon ng buhay namin. Di ko inisip na magiging kami. Di ko iniisip na mamahalin nya ako at mamahalin ko sya ng higit pa sa isang kaibigan. Hindi ko inisip na magmamahal ako ng ganito ngayon. Na na-iinlove ako sa bestfriend ko.

Hindi sa takot ako noon, pero kasi, iniiwas ko lang ang sarili ko dahil sa sakit ko. Sadyang ibinawal ko sa sarili ang makaramdam ng matinding pagmamahal dahil hindi lang sa ayaw kong masaktan kundi ayaw ko ring makasakit. Ayaw kong may masaktan kapag may iniwan ako.

Inaamin ko noon ay crush ko na si Cero, sini ba namang babaeng hindi hahanga sa kanya. Kahit na masungit, ay mabait naman talaga sya. Dadag pang heartthrob ang lalaking 'yon. At sya pa ang knight in shining armor ko. My superhero. My captain barbel. Haha! Alam ko na ang kalokohan ng mga kaibigan namin. Siya pala ang tinutukoy nilang captain barbel at ako si darna. Mga baliw talaga. Nasabihan pa nila akong napakamanhid ko noon na di ko nahalata na may gusto na pala sa'kin ang bestfriend ko. Di na lang ako, kumontra. Totoo naman ang sinabi nila.

Pero past na yon. Ang importante ang kami ngayon.

Masasabi kong malakas ako kay papa god dahil binigyan nya ako ng secong life. Binigyan nya ako ng chance na makaranas na magmahal at ang mahalin. At sobrang ipinagpapasalamat ko sa kanya na si Cero ang ibinigay nya sa'kin. Kay Cero, tumibok ang pangalawang puso ko.

"Tara dali, panoorin muna natin ang suprise ni Cero kay Celoah bago tayo kumain."

What?

So, kami pala yong pinag-uusapan nila. Oh my gosh!

At ano yon? May surprise si Cero? Kaya ba di nya ako napuntahan? Aish! Kung ano inisip ko kanina? Ang bad ko naman.

Sinundan ko ang dalawang babae. Di man lang nila napansin habang nag-uusap sila kanina na nasa likod nila ako.

Papunta sila sa quadrangle nitong campus. Curious na curious na tulog ako at di pa nga ako nakakarating at di ko pa sya nakikita ay kumakabog na ang dibdib ko.

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon