cincuenta y cuatro

4.2K 149 66
                                    

cero's pov

"Celoah!"

Gulat at takot ang agad kong naramdaman ng makita kong nawalan ng malay si Celoah kaya napasigaw ako habang nasa gitna ng court. Agad kong nabitawan ang bolang dapat ay ipapasa ko at tumakbo sa kinaroroonan nya. Wala na akong pakialam kung matalo man kami. Ang mahalaga ay si Celoah.

Naging mahirap pa sa'kin ang makalapit sa kanya dahil sa nagsisiksikan ang mga nanonood ng game namin.

Shit! Napuno na ng takot ang buong sistema ko. Nagkagulo din ang mga taong nasa malapit sa kanya lalong-lalo na sina Nica. Ito ang may kalong sa kanya habang natararanta namang pinapaypayan sya nina Shanta at Camille.

"Celoah!" kinuha ko sya mula kay Nica at binuhat. Kahut tagaktak ang pawis ko ay binalewala ko yon dahil kailangan madala na sya agad sa ospital. Hindi kasi sapat kung sa infirmary lang.

Buti naman ay nagbigay daan ang mga tao kaya agad akong ko syang nailabas sa gym. Hindi ko alam kung paano agad nakuha ni Light ang kotse nya dahil paglabas namin ay nandoon na sya kaya agad kaming sumakay sa backseat.

"Susunod kami Cero." naiiyak na sabi ni Nica sa'kin bago pinaandar ni Light ang sasakyan nya.

"Celoah! wake up. Please, please... wake up." marahan kong tinapik ang pisngi nya. "Pakibilisan, Light." mabilis na ang pagpapatakbo nya pero gusto kong makarating na kami agad ng ospital. Kung pwede lang na paliparin ang sasakyan nya ay inutos ko na.

"Hold on, Celoah." niyakap ko sya at isinubsob ang mukha ko sa buhok nya.

Lord, please... wag nyong hayaang may mangyari sa kanya. Wag muna. Wag ngayon. Parang-awa nyo na. Di ko kaya. Di ko kayanin.

Don't take her away from me. Please, don't.

---

"I'm sorry Mr. and Mrs. Lim pero--"

"No!" agad na putol ng mama ni Celoah sa sasabihin sana ng doctor. Siguro ay tinawagan sila nina Nica kanina kaya ilang minuto lang ng makarating kami ay dumating din sila.

Ngayon nga ay pagkalabas  ng doctor ay kinausap nya sina Tita sa kalagayan ni Celoah at tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang puno na ng takot at pangamba.

"Hindi pa mawawala sa'kin ang anak ko. Gawin nyo ang lahat ng dapat nyong gawin para humaba pa ang buhay nya. Hindi ko kayo binabayaran ng malaki para hayaan lang na di sya gumaling sa sakit nya. Pag may nangyari sa kanya mananagot kayo sa'kin. Sisiguruhin kong mawawalan ka ng lisensya sa pagiging doktor mo. Pagaling mo sya. Pahabain mong buhay nya." banta ni Tita sa doktor. Mukhang sya yata ang personal doctor ni Celoah dahil kilala sya nina Tita at Tito. Di ko naman masisi si Tita Beth kung ganon ang mga nasabi nya.

Pilit naman syang pinapakalma ni Tito Benedict.

"Doc, kakausapin nalang kita mamaya. Pasensya na sa asawa ko." ani Tito Benedict sa doktor.

Agad na humagulhol ng iyak si Tita pagka-alis nito kaya niyakap sya ni Tito Ben.

"Nagsisinungaling lang sya di ba. Makakasama pa natin ng matagal ang anak ko. Ang anak natin di ba."

Napayuko nalang ako habang naririnig ang pag-iyak ni Tita Beth. Namumuo na rin kasi ang luha sa mata ko.

Ang hirap tanggapin.

May taning na ang buhay nya. Konting panahon nalang ang itatagal nya at ayaw kong paniwalaan yon. Di pwede. Di ko pa nasasabi ang mga gusto kong sabihin sa kanya. Gusto pang iparamdam sa kanya na mahalaga sya sa'kin. Gusto kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Light sa balikat ko. Dinig ko din ang pag-iyak nina Nica.

Tumayo ako at lumapit sa pinto ng ICU. Mula glass window ay makikita si Celoah para lang syang natutulog pero may oxygen na nakakabit sa kanya. Umalis agad ako dahil di ko kayang tingnan sya sa ganoong kalagayan. Pupunta ako sa chapel nitong ospital para hingin sa kanya na pahabain pa ang buhay ni Celoah.

Kung pwede lang na makipagpalit ng posisyon sa kanya. Kung pwede lang na ako nalang ang may sakit. Kung pwede lang na ang buhay ko na lang ang may taning. Kung pwede lang ay buong puso akong makikipagpalit sa kanya. Kung pwede ko lang ibigay ang buhay ko sa kanya ay gagawin ko.  Basta mabuhay lang sya. Hindi lang para sa'kin kundi sa lahat ng nagmamahal sa kanya. Kung pwede lang sana.

Sana.


---

"Hijo, sigurado ka ba? Baka hanapin ka ng mga magulang mo?" tanong sa'kin ni Tita Beth. Nagpaalam kasi ako sa kanila na ako nalang ang magbantay kay Celoah ngayong gabi. Hindi kasi ako mapapalagay pag umuwi ako sa'min. I can't afford to stay at our house knowing Celoah's here in the hospital fighting for her life.

Hanggang ngayon ay di pa rin sya nagigising. Dala na rin ng gamot na itinurok daw sa kanya kaya hanggang ngayon ay di pa rin sya nagigising.

"Sigurado po ako. Natawagan ko na po si mama. Sabi nya ay bibisita daw sila bukas." ani ko.

"O sige. Alam ko namang babantayan mo ng mabuti ang anak namin. Maaga kaming babalik dito bukas para nakauwi ka naman sa inyo at nakapagpahinga." ani Tita Beth. Tumigil na sya kanina sa kakaiyak pero halatang-halata ang pamamaga ng mata nya.

Sina Nica ay kakauwi lang din.

Pagkaalis nina Tita at Tito ay lumapit ako sa kinahihigaan ni Celoah. Umupo ako sa upuang nasa gilid ng kama at kinuha ang isang kamay nya at ikinulong ko sa mga palad ko.

"Celoah, gumising ka na. May ibabalita ako sayo." hinalikan ko ng marahan ang kamay nya. "Alam mo bang nanalo ang eskwelahan natin kanina sa basketball. Pagka-alis natin ay nagawa nilang ituloy at ipanalo ang laro. At alam mo bang kahit umalis ako don kanina ay sa'kin ipinarangal ang MVP award." napayuko ako habang hawak-hawak pa rin ang kamay nya. Namumuo na naman ang luha sa mata ko. Pasimple kong pinahid yon. "Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit hinusayan ko kanina. Ikaw ang inapirasyon ko. Ikaw ang nagbigay sa'kin kanina ng lakas. Alam kong manunuod ka talaga kahit sinabi ko sayong bawal. Alam ko namang di mo 'ko susundin eh. Pero, kahit di mo ko sinunod ay masaya pa rin ako dahil nandoon ka. Mas ginanahan ako. Pero sana, di ka nalang nanood dahil kapalit naman ay nandito ka ngayon. Pero nangyari na eh."

Idinantay ko ang malambot nyang kamay sa pisngi ko at napapikit. "Gumising ka na oh. Para alam kong maayos ka. Para malibre kita sa pagkapanalo namin at sa pagka-MVP ko. Gumising ka na, please. Kulitin mo na ulit ako. Pangako, di kita susungitan."

Hindi ko na mapigilang tumulo ang luha ko kaya hinayaan ko nalang. "Sabi mo sa'kin ok ka lang. Sabi mo, malakas ka. Sabi mo, papalitan mo ako bilang team captain ng basketball team. Paano mo ako papalitan kung nakahiga ka dyan? Kaya bumangon ka na at magpagaling ka. Tapos ay manonood tayo ng paboritong mong spongebob. Kahit ayaw ko sa kanya ay sasamahan kita. Ibibili din kita ng maraming stuff toys na spongebob basta magkasama tayong bibili."

"Sige na Celoah oh. Wag kang sumuko. Magagalit ako sayo. Ayaw mo yon, di ba? Kaya lumaban ka. Di ba aabutin mo pa ang mga pangarap mo. Sabay tayo. Di ba gusto mong maging magaling na photographer. Gusto mong maglibot sa buong mundo para kumuha ng maraming pictures sa mga magagandang view. At di ba sabi mo ay isasama mo 'ko."

"Akala ko ba magbestfriend tayo. Walang iwanan. Wag kang madaya Celoah, wag mo kaming iwan."

"Wag mo akong iiwan."

"Dapat bukas na bukas magaling ka na ah. Maayos ka na ulit."

Bahagya akong tumayo at hinalikan sya sa noo.

"Mahal na mahal kita." ani ko bago dumukdok sa gilid ng kama nya habang hawak-hawak pa rin ng mahigpit ang kamay nya.

I'll don't want to let her go. I'll never let her go.


---


An: gosh! nahirapan akong buuin ang part na to. di ko kasi mapigilang maiyak. ewan ko ba. marami pa sanang sasabihin si cero pero, maloloka na ako. kailangan kong magtago habang ginagawa ang part na to kasi nga di ko mapigilang umiyak at masabihan pa akong baliw ng kapatid at mama ko. emegesh!

✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌

wag kang mawalan ng pag-asa cero.

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon