treinta y nueve

4.1K 142 48
                                    

celoah's pov

"Salamat, Cloud ah." ani ko pagkababa ko ng kotse nya saka sya nginitian.

"You're always welcome, Celoah. Basta ikaw." sabi nyang ngumiti din. Tumango-tango na lang ako. Nagpaalam ako sa kanya bago ko isinara ang pinto ng kotse nya. Bago pa sya tuluyang umalis ay kumaway ako. Naglalakad na ako papunta sa room ko ng makita ko si Cero na kakarating lang.

Tinawag ko sya at ikinasimangot ko naman na walang kaekpre-ekspresyon syang tumingin sa'kin. As usual, masungit na naman. Hindi naman na ako naiinis sa kanya eh. Madali lang kasing lumilipas pag naiinis ako. Isang tulog lang, kinabukasan ok na.

"Cero, meron ka na naman ba?" tanong ko sa kanya ng malapit na sya sa'kin. Ay yon, masamang tingin ang itinugon sa'kin. Naiinis kasi sya pag binibiro ko sya kung meron ba sya. Haha! Ang sungit-sungit talaga. Ang sarap inisin.

Napaawang ang bibig ko ng nilampasan nya lang ako. Parang hangin lang ako na dinaanan nya. Gosh! Hindi naman ako alikabok para di nya makita. Nang makahuma ako ay hinabol ko sya na medyo nakakalayo na sa'kin.

"Hoy! Cero." tawag ko muli sa kanya pero di sya lumingon. Nang maabutan ko sya ay kumapit ako sa braso nya.

"Oy! galit ka ba talaga sa'kin. May problema ba tayo?  Anong nagawa ko? May kasalanan ba ako sayo? Sabihin mo sa'kin kung anong ikinakagalit mo?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Nagulat ako ng tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa braso nya.

"Hindi nga sabi ako galit at wag kang ngang makulit. Nagmamadali ako. Class hours na at late na ako. Ikaw din. Kaya pumunta ka na sa classroom mo." inis nyang sabi saka naglakad palayo.

Hindi ko maintindihan, wala namang syang masamang sinabi pero pakiramdam ko ay nasasaktan ako. Parang itinataboy nya ako. At ramdam ko ang inis sa tono nya. Nakukulitan na ba sya sa'kin. Kasi kahit na nagsusungit sya dati, hindi naman sya ganon. Hinahayaan nya nga lang ako eh. At ni minsan, di nya ako tinalikuran. Ngayon palang yong una. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil pinipigil kong maiyak.

Bakit ganon? May nagawa ba talaga akong ikinainis o ikinagalit nya?

Buong naghapon na di nawala sa isip ko ang nangyari. Nadagdagan pa nong breaktime dahil parang iniwasan nya ko. Ni hindi sya tumingin sa'kin ng magkasalubong kami habang papasok ako sa canteen at sya ay palabas naman. At nakakapanibago dahil lagi naman kaming nagsasabay kumain. Bakit sya nauna? Bakit ang cold ng trato nya sa'kin? Hindi naman sya ganon kahit masungit sya. Masyado na ba syang nakukulitan sa'kin?

Ayoko ng ganito kami? Ang bigat sa pakiramdam eh. Di ako sanay. Ok lang sa'kin na sinusungitan nya ako at binabara lagi basta ba di nya ako iniiwasan. Basta kinakausap nya pa rin ako. Hindi yong ganito.

"Ok ka lang ba talaga?" napukaw ako sa aking iniisip ng magsalita si Cloud. Katulad nga ng sabi nya ay sinundo nya ako.

"Ah, oo. Ok lang ako." nag-half smile ako sa kanya para maniwala syang ok lang talaga ko. Kanina pa sya tanong ng tanong kung ok lang ako at parehas lang yong sagot ko.

"Nandito na tayo." aniya. Bahagyang namilog ang mata ko. Ang lalim na yata ng iniisip ko dahil di ko man lang namalayan na nakarating na pala kami sa bahay ko.

"Ah, oo. Salamat Cloud ah." sabi ko sa kanya saka ako bumaba ng kotse nya.

"Wag kang pasalamat ng pasalamat dahil bukas, pwede bang sunduin at ihatid uli kita." kimi akong ngumiti at tumango.

Inintay ko muna syang nakaalis bago ako pumasok sa bahay namin. Wala pa ang mga magulang at kuya ko. Laging ako ang nauunang umuwi sa aming apat.

Dumeretso ako sa kwarto at ibinagsak ang katawan ko sa aking kama. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

Naba-bother talaga ako sa inaakto ni Cero. Gusto ko syang kausapin,  i-chat. Pero baka di pa rin nya ako pansinin.

Ano ba talagang problema? Namalayan ko na lang na tumulo ang luha ko.

Bakit mo ko ginaganito Cero?

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon