veintiuno

5K 188 45
                                    

celoah

Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang alarm clock ko. Pero di talaga yon ang dahilan ng biglang paggising mo.

Ang panaginip ko. My gosh! Bakit ganon ang panaginip ko? Jusme! I dreamed that my bestfriend was singing my favorite song to me and--

And---

He said I love you to me. Ang weird naman ng panaginip ko. Bakit naman mag-a-I love you sa'kin 'yon? Uhm! pwede, dahil nga bestfriend nya ako ay mahal nya ako. Mahal nya ako bilang bestfriend. Yon, yon. Pero bakit parang iba. At bakit parang totoo ang panaginip ko.

Ang weird.

Aish!

Umalis ako sa kama ko at inayos ito. Nakita ko ang phone ko nakataob at bahagyang natabunan unan kaya dinampot ko ito at ilalagay na sana sa side table ng mabasa ko sa screen ang ongoing call ni Cero. Kunot-noong itinapat ko yon sa teynga ko.

"Hello!"

[Ow, good morning Celoah. Ngayon gising ka na, pwede mo na bang i-end ang tawag?]

Mas lalong nangunot ang noo ko? Nagugulugan ako sa sinabi nya.

"Huh?"

[Tinutulugan mo ako ng di mo inend ang call.]

Nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin, di panaginip na kinantahan nya ako. Totooo yon.

"Uhm a-ah! bakit di mo na lang pinatay?" teka ba't ako nauutal?

[Kelan ba kita pinatayan ng tawag?]

Naapawang ang bibig ko sa sinabi nya. Oh my gosh! Sa tuwing nag-uusap kasi kami sa phone, sya man ang tumawag o ako, never nya akong binabaan ng tawag. Ako ang lagi nyang pinapa-end ng call. Seriously! Tinulugan ko na sya at naumaga nalang ay di nya talaga pinatay. Anong nakain nya?

Jusme, anong bang nasa isip nya. Nagsasayang sya ng load. Pero sa kabilang banda ay napangiti ako. Isn't it being a gentleman na di ka pinapatayan ng tawag ng isang lalaki. Nakakababae kaya yon. Sobra.

[Hello!]

Nabalik ako sa katinuan ng muling marinig ang boses nya.

"Ah, s-sige... bye." di ko na hinintay na muli pa syang magsalita ay agad ko ng inend yong call.

Napasapo ako sa dibdib ko ng maibaba ko ang cellphone ko sa mesa. Mamamia! ba't ang bilis ng tibok.

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon