treinta y uno

4.4K 162 23
                                    

celoah's pov

"Ma, alis na po ako." paalam ko kay mama. Mamimili kasi ako ng mga gamit ni Roah. Nakapagpaalam na ako sa kanya na aalis ako ngayon at pumayag naman sya.

"Sige anak, ingat ka ah. Wag magpapagabi." bilin nya.

"Opo ma." humalik ako sa pisngi nya bago lumabas ng bahay. Magpapasama sana ako kay Cero kaso nababaliw na yata ang isang yon. Kung anu-ano ang sinasabi. Weird nga. Kasi hindi naman sya ganon eh.

Paglabas ko ng gate namin ay napakunot-noo ako dahil nandoon sya nakasandal sa kotse nya. Jusme! ba't ang cool nyang tingnan.

Naiwas ako ng tingin ng ngumiti sya sa'kin. Mamamia, ano ba tong nangyayari sa'kin. Dati naman walang epekto sa'kin pag nginingitian nya ko.

"A-ah,anong ginagawa mo dito?" sita ko sa kanya ng maisara ko na ang gate namin. Bahagya akong lumapit sa kanya.

"Sasamahan kita." aniya.

Tinaasan ko sya ng kilay. "At saan ka sasama?"

"Sa simbahan."

"Ano? Hindi naman ako sa simbahan pupunta ah." Baliw. Ba't naman naisip nyang sa simbahan, eh wala naman akong sinabi? May binebenta ba sa simbahan na mga gamit para sa aso. Nababaliw na siguro tong bestfriend ko.

"Ah, akala ko sa simbahan kasi mag-asdfghdkghjkabx." mahina ang pagkakasabi nya sa huli kaya di ko narinig.

"Ano?"

"Ah, ang sabi ko saan ka ba pupunta?" aniya. Bakit parang di yon ang kanyang sinabi. Hay! ewan. Ang weird nya talaga.

"Bibili ako ng mga gamit ni Roah." napakunot-noo ako ng ngumisi sya.

"Ni baby Roah?" aish! ayan na naman sya sa baby na yan.

"Hindi-hindi, ni kuya." pambabara ko sa kanya saka sya inirapan.

"Tss! Tara na, alis na tayo para madali tayong makabili ng mga gamit ng baby---" binuksan nya ang pinto ng kotse nya. "natin." sabi nya bago tuluyang sumakay. Namilog ang mata ko at bahagyang napaawang ang labi ko. Mamamia! sya ba talaga ang bestfriend ko? Nakakaloka.

"Alam mo nakakapanibago ka. Weird." sabi ko sa kanya ng makasakay ako sa kotse nya.

"Huh?" aniya na saglit tumingin sa'kin at muling itinuon sa kalsada ang tingin dahil pinaandar na nya ang kotse nya.

"Alam mo mas gusto ko pa yong sinusungitan mo ko lagi." kita kong nangunot ang noo nya. Totoo naman eh. Mas gusto ko yong masungit na Cero kasi, kasi--- sa weird na inaakto nya, nagiging weird din yong nararamdaman ko. Di ko maipaliwag. Bigla-bigla nalang umiinit ang pisngi ko. Tapos bigla-bigla ding pumipitik ng malakas ang puso ko at di nawawala sa isip ko ang mga sinasabi nya. Ang weird talaga. Nakaka-ewan. Hindi ko naman pinagpapantasyahan ang bestfried ko noh. Hindi talaga. Hindi, hindi, hindi.

"Mas gusto mong sinusungitan kita? Bakit?" tanong nya na sa kalsada nakatuon ang tingin.

"Uhm! ah, wala. Wag mo nalang intindihin ang sinabi ko. Magconcentrate ka na lang sa pagdadrive."

Wala kasi akong maisip na irason sa kanya. Alangan namang sabihin ko ang totoo.

Buti nalang at di na sya nangulit pa kaya nakahinga ako maluwag. Baka kasi ano pa ang masabi ko pag nagkataon. Wala pa namang preno ang bibig ko minsan.

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon