veinticuatro

4.8K 167 36
                                    


celoah

"Celoaaaahhh! baby. gising.... daliiii." aish! ang ingay ni mama. Inaantok pa ako. Ba't ba sya nanggigising.

Nakapikit akong bumangon at kinusot-kusot ang mata ko.

"Ma naman, ke aga-aga, nambubulabog ka ng tulog." reklamo ko sa kanya. Wala pa naman kaming pasok tas ang aga nya manggising.

"Anak, may kailangan kang makita. Dali. Tumayo ka na dyan." hinila nya ako patayo at paalis sa kama ko. Deretso-deretso kaming lumabas ng kwarto pababa sa sala. Ang kulit naman ni mama. Gusto ko pang mag-around the world eh, sa panaginip.

"Surprise, anak." papikit-pikit pa rin akong tumingin bago ako napasunod ng tingin sa tinitingnan nya. At agad nanlaki ang mata ko. "Happy Birthday, baby."

Napaawang ang bibig ko at sobrang tuwa ko. Wow as in wow.

"Wah! thank you, ma

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wah! thank you, ma." niyakap ko sya ng mahigpit. Hinaplos-haplos naman nya ang likod ko saka sya kumawala sa yakap.

"Hindi ka sa'kin dapat mag-thank you anak." aniya na ikinakunot-noo ko. Bakit naman hindi? "Hindi sa'min ng papa mo o kapatid mo galing yan. Hindi yan ang regalo namin sayo." nakangiting sabi nya. Mas lalo akong napakunot-noo.

Kung hindi sa kanila, kanino? Di kaya kay--

"Anak di mo sinabi na may admirer ka palang galante." mas lalo akong nagtaka. Admirer? Meron ba? Wala naman ah.

"Wala naman ma, eh. Sino ba talaga nagbigay nyan? Baka naman namali lang ng bigay ma. Hindi para sa'kin yan."

Tama, baka hindi para sa'kin yan.

"Anak sayo yan. May card pa nga oh." lunapit si mama sa mga teddy bears at pinakita sa'kin ang card na nakapaskil don sa isa. Lumapit ako at binasa ang nakasulat don.

"Happy Birthday, Celoah." malakas na basa ni mama. "O, di ba para sayo."

"Eh kanino galing ma?" takang tanong ko. Bakit wlang pangalang nakalagay.

"Idineliver lang yan anak eh. At di din alam nong naghatid kung sino ang nagpabigay." ani mama.

Grabe! pa-mysterious din ang peg ng nagbigay ah. Di sinabi kong sino sya.

Imposible namang kina Nica, Shantal at Camille galing. Di kaya si Cero?

Napangiti ako. Baka nga kay bestfriend galing. Tatanungin ko sya.

----

an: kanino galing ang teddy bears? hulaan nyo.

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon