sesenta y siete

3.9K 125 7
                                    


9:15 am

cero

baby!!!!

celoah is typing...

celoah

cero, maawa ka tumigil ka na sa kaka-baby mo.

cero

o sige, titigil na ako.

sa isang kondisyon.

celoah

ano naman yon?

celoah is typing...

cero

sagutin mo na 'ko.

celoah is typing...

celoah

hala! nagmamadali ka. para ka ngang di nanliligaw dyan eh. puro ka lang pangungulit. eh kung di nalang kaya kita sagutin.

cero

hala! wag naman baby. at anong di nanliligaw. nanliligaw kaya ako. gusto mo haranahin kita.

celoah

harana ka dyan.

cero

harana nga. haharanahin kita.

lingon ka sa may likod mo.

*

celoah's pov

Napalingon naman ako sa may likuran ko at nandoon nga sya may hawak na gitara. Ano naman kayang kabaliwan ang naisip nya?

"Hi! baby. It's time for me to make ligaw and harana." aniya. Pamilyar ang linyang yon ah. Ah! parang si Mario Maurer lang sa movie nila ni Erich Gonzales na 'Suddenly It's Magic.'

"Sana magustuhan mo ang kakantahin ko." ani nyang nagkakamot pa ng ulo. Napangiti naman ako. Mukhang nahiya pa ang loko. Sino ba may sabi sa kanyang mangharana sya sa'kin dito pa sa park. Pero nakakatuwa ang effort nya. At ang cute nya kapag naghihiya. Kasi ang Cero'ng kilala ko, confident sa lahat ng bagay na ginagawa nya.

"Do you remember when I said I'd always be there?
Ever since we were ten, baby.
When we were out on the playground playing pretend.
I didn't know it back then.

Di ko maiwasang mapangiti. Alam ko yong kinakanta nya. And it one of my favorites. At lalo ko syang nagustuhan ngayon na sya ang kumanta. Ang ganda talaga ng pakinggan ng kanyang boses. Napapabilis nito ang tibok ng puso ko

Now I realize you are the only one
It's never too late to show it.
Grow old together,
Have feelings we had before
Back when we were so innocent.

I pray for all your love
Girl, our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me
(I must be dreaming)
This is something like a movie
And I don't know how it ends, girl
But I fell in love with my best friend

Tuwing nakatitig sya sa'kin ay parang mauubusan ako ng hininga. Parang hinihigop nyang lahat. Hindi lang yon. Sa mga simpleng ginagawa nya. Pinapabilis na nya ng sobra ang tibok ng puso ko. Kahit sa mga korning banat nya na ko di maiwasang kiligin. At sa tuwing tinatawag nya akong baby, pakiramdam ko ay ako napaka-espesyal ko.

Hindi naman to ganito dati eh. Nong di pa ako naoperahan. May kinalaman kaya na napalitan ng iba ang puso ko kaya para itong nagtatambol ng malakas sa presensya palang nya.

I know it sounds crazy
That you'd be my baby.
Girl, you mean that much to me.

And nothing compares when
We're lighter than air and
We don't wanna come back down.

And I don't wanna ruin what we have
Love is so unpredictable.

But it's the risk that I'm taking, hoping, praying
You'd fall in love with your best friend."

Di ko na naalis ang tingin ko sa kanya. Di ko nga namalayan na natapos na nya ang kanyang kanta kung di pa sya lumapit sa'kin.

Ano tong nararamdaman ko?

"Bakit? Di mo ba nagustuhan ang kanta ko?

Napakurap naman ako.

"Hah! ah, gusto ko. Ang totoo nga nyan, paborito ko yong kinanta mo?" ani ko. Gusto ko naman talaga. Sobra. At sobrang na-appreciate ko ang ginawa nya.

May gumugulo lang kasi sa isip ko. Kung ano ang totoong nararamdaman ko.

Naiatras ko ang mukha ko ng ilapit nya ang mukha nya sa'kin. Gosh! Ito na naman yong pagwawala ng puso ko.

"Ayan. Malapit na malapit na ang mukha ko. Pwede mo ng mas titigan." nakangisi nyang sabi.

OMG! singpula na siguro ng kamatis ang pisngi ko.

Jusme! Ano to Cero?

Mahal na din kaya kita ng higit pa sa pagmamahal na alam ko?

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon