cuarenta y nueve

3.8K 136 65
                                    

cero's pov

I'm such an idiot. Paano ko nakalimutang may sakit sya sa puso? Na bawal sa kanya ang sobrang malungkot at sobrang masaya. Bawal syang mapagod. Bawal syang masaktan. Bawal syang magmahal.

She told me that before ng ipagtapat nya sa'kin ang sakit nya. Hindi nya inilihim sa'kin. At sobrang nalulungkot ako sa kaalamang 'yon at the same time, natatakot ako. I also feel pity for her pero di ko pinakita sa kanya dahil ayaw nyang kinakaawaan sya. She also don't want to be treated special. Gusto nyang itrato sya na normal lang. Para daw di nya maramdaman na may sakit sya. Makakastress lang daw sa kanya at baka matrigger pa ang sakit. Matagal naman na din syang di inaatake.

I am so damn stupid na tuluyan kong kinalimutan ang bagay na yon. I even ignored and treat her coldly for days. Baka ako ang dahilan ng pagsumpong ng sakit. Baka ikinasama loob nya ang pagtikis ko sa kanya. Fuck! Ang gago ko talaga. Napaka-stupido ko. I was such a selfish jerk dahil di ko inisip ang mararamdam nya. Shit!

I don't wanna loose her. She told me she can't fall inlove with any guy dahil ayaw nyang may masaktan sya dahil alam nyang maikli lang ang buhay nya. It was so painful hearing her say that. I wanted to cry pero sinabi nyang di ako dapat umiyak. Ang dapat daw ay ipagpasalamat ang buhay na ibinigay sa kanya kahit na gaano pa ito kaikli. She's so brave na tanggap nya ang sakit nya at handa sya kung ano ang mangyari sa kanya.

Pero ako, kailanman ay hindi ko matatanggap. Alam kong di ako dapat mahulog sa kanya dahil nga sa umpisa pa lang ay sinabi na nyang bawal sa kanya ang magmahal. But I can't help it. Hindi ko napigilang mahulog at mahalin sya. Mahal na mahal ko sya at hindi ko matatanggap na mawala sya.

Please god, alam kong hindi ako madasaling tao, pero sana ay dinggin nyo ang dasal ko.

Please don't take her away from me. Bigyan nyo pa sya ng mahabang buhay para makasama ko sya. I'm willing to sacrifice my love for her basta ba kasama ko lang sya. Please.

Please.

bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon