paalam. .aireen

5.5K 109 2
                                    

CHAPTER 14

Yuri’s POV

naglalakad ako ngayon pauwe. .nagpaalam naman ako kay aerol. .gusto pa ngang sumama  nung bossoy na yun kaya lang sabi ko kapag sinama ko sya samin isama din nya ako sa pagiging gangster nya. .

reaksyon nya??. .

ayun pinitik nya ako sa ilong ko tas tinaliuran ako. .

back to reality na tayo. .

edi naglalakad nga ako. .papunta ako sa paradahan ng dyip na papunta sa lugar namin. .nang. .

“uy piso!! Swerte ko naman oohh!!!” aniko sa sarili ko habang pinupulot ko yung piso sa lupa. .pagtunghay ko. .

“yuri??” ay si calvin nasa harap ko. .tas nasa likod nya ang tulog na tulog na si aireen. .naka-piggy back ride sya kay aerol ganun!! Tas may jacket na nakapatong sa bandang ulo neto. .

“k-kayo pala. .musta??” bati ko

“ayos lang. .ikaw?? si aerol??” aniya ng nakangiti. .

“a-ammm. .” sasabihin ko ba na kami na ni aerol?? Huhmmm. . wag na muna. .magpinsan naman sila ni aerol. .panigurado si aerol na lang magsasabi nun sa kanya. .baka mamaya mabarino pa yung isang yun kasi inunahan ko sya sa pagbabalita. .haha!!

“by the way. .pasaan ka ngayon??” bigla nyang tanung ng mapansin nyang mwdyo nag-iisip pa ako sa isasagot ko kanina sa tanung nya. .

“uuwe sana ako. .gusto ko kasing Makita yung parte ng bahay na pinaayos namin na galing sa sweldo ko yung pinagpaayos” mahaba kong sagot tas tumango sya. .at nagsimula na din kaming maglakad. .bale sinasabayan nya ako ngayon. . “kayo?? At agang aga tulog ata si aireen?? San kayo galing??” pabalik kong tanung. .

“nagpart time job kasi sya sa isang fast food chain dito. .eehh unang gabi nya. .ayan napagod agad” tas nilingon nya ng konti yung tulog na si aireen. . “buti na lang alam kong hindi sya sanay sa pagudan kaya sinundan ko sya kagabi. .nung matapos ang duty nya sinalubong ko sya at ayun antok na antok at pagod na pagod. .” tas bahagya pa syang tumawa. .

“mahal na mahal mo talaga sya noh??” bigla kong nasabi. .halatang halata kasi hindi lang sa kilos ni calvin maging sa uri ng pagtingin nya kay aireen. .kitang kita mo sa mga mata nya yung kaligayahang meron sya sa piling ni aireen. .

“sya na ang buhay ko eeehhh. .”tipid nyang sagot na sinabayan ng magandang ngiti. .kita nyo??? Pati sa ngiti nya halata din!!!

Tiningnan ko na lang ang himbing na himbing na si aireen. .maganda sya in her own way. .wala kasi syang ka-make-up make-up. .tas idagdag mo pa yung pagiging inosente ng mukha nya. .para syang anghel kumbaga!!! Napaka-swerte ng babaing to. .may calvin joe myers na nagmamahal sa kanya. .

Tapos napatingin akong muli sa daan. .dun ko lang napansin na malapit na pala ako sa paradahan ng dyip. .

“ay calvin. .dito na pala ako. .ayan na yung paradahan ng dyip naming oh. .” aniko sabay turo sa sakayan ng mga dyip. .

“ganun ba. .sige ingat ka aahh!!” sagot naman nito sabay ngiti ng malaki. . “sakay ka na!” anito kaya sumakay na ako sa isang papuno nang dyip malapit lang ako sa may pinto kaya muling tiningnan ko si calvin. .hindi pa rin sya umaalis sa pwesto nya nakatingin lang sya sakin para bang iniintay nyang makaalis muna ang dyip na sinasakyan ko bago din sya tuluyang umalis. .

Nung umandar na ang sinasakyan ko. .kumaway ako sa kanya at kumaway din naman sya sabay inayos nya ang pagkakababa sa kanya ni aireen. .at tuluyan ng tumalikod at umalis. .

Hindi ko na masyadong idedetalye yung pag uwe ko. .sinilip ko lang naman kasi yung pinapagawang parte ng bahay. .at yun ay ang salas pinapasemento na naming at take note di-tiles na yung salas namin!!! Oha!!! Asensado na noh???!!!

How To Baby Sit A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon