chapter 03: New classmates

1.2K 40 12
                                    


Tatlong araw na matapos ang insidente mula ng lamunin ng sinkhole ang bahay ng mga Park.
Pansamantala silang tumuloy sa restaurant.

At ngayon nga ay balik eskwela na si Jimin at pilit na nagpapakatatag sa dinanas nilang mag-ama.

Alam niyang naapektuhan ang kanyang ama sa sinapit ng kanilang bahay.

Matagal na pinag-ipunan,dugo't pawis ang ipinuhunan ng kanyang ama para maipagawa ang kanilang pinapangarap na bahay.

Nangako naman ng tulong ang gobyerno at ang kawanian ng subdivision para ipaayos muli at maipatayo ang kanilang bahay.

"Papa,punta na po ako ng school"
Paalam niya sa ama habang nagliligpit ito ng kanilang mga pinagkainan.

"Sige,ingat ka anak ha? Siyanga pala,may pansamantala na tayong matutuluyan"

"Talaga po? Saan naman?"

"Nag-alok ng tulong ang dati kong kaklase,,tumanggi nga ako ng una pero hindi ko naman siya mahindian e,bestfriend ko yun"

Napatango na lamang siya.

"Sige po..Alis na po ako,baka ma-late pa ako"

Nakangiting nagpaalam na siya sa kanyang ama at mabilis na lumakad na papunta sa school.

Hindi naman gaano kalayuan ang pwesto ng kanilang restaurant.

JIMIN's pov

Hayyy!!! Nakakapanghinayang na sa isang iglap,lalamunin lang ng lupa ang matagal na panahong ipinundar na bahay ni Papa.

Pakiramdam ko,,mukhang minamalas na yata ako.

Nagsimula ang lahat sa pag-reject ni Jungkook sa'kin.

Ta's ngayon,yung bago naming bahay,nadisgrasya..

What's next?

Halos tumakbo na ako papasok sa main gate ng campus.

Bumulaga sakin ang mga kaibigan ko na nag-aabang sa mga students para humingi ng donation.

Lumapit ako sa kanilang lahat.

"GoodMorning Chim"
Nakangiti pang bati ni Jin-hyung.

"GoodMorning din sa inyo..Jin-hyung para saan yan?"
Usisa ko.

"Para sayo..Uy,nagpaalam naman kami sa mga teachers natin at pumayag naman sila,gusto nga din nilang tumulong sa pagpapagawa ng bahay ninyo,kaya wag ka ng mag-worry"si Jhope-hyung.

Inakbayan naman ako ni Taehyung.

"Naku nakakahiya naman..Salamat ah"kako.

Nakangiting tumango silang lahat.

"Grabe naman pala ang nangyare sa bahay ninyo,,here's my donation"
Sabad ng isang tinig na di ko maaaring makalimutan.

Lumingon ako dito,at nakita ko si Jungkook kasama ang mga kaibigan nito.

He handed me the money..

Jikook Presents: Its Started With A KissWhere stories live. Discover now