chapter 84:Unconsiously consious

392 5 1
                                    

(Charot lang yung di nako mag-e-edit,di pa naman ako inaantok eh 😒)

He was enjoying the smell of blood.That's how Namjoon could described Taehyung---He's a beast.

Walang katakot takot na hinaharap nito ang mga tauhan ni Jaebum kahit pa tinutukan ito ng mga baril.Hindi ito takot na masaktan.Iba itong magalit.Na kahit siya,binansagang leon,hindi niya gugustuhing salubungin ang galit nito,ng nagngangalit na tigre. (Eto na naman yung lion/tiger 😭)

"Taehyung tama na,baka mapuruhan mo silang lahat"
Saway niya dito.

Halos hindi makatayo ang mga bayarang tauhan ni Jaebum,hindi niya inakalang si Taehyung lang ang tutumba sa mga armadong tauhan ni Jaebum.

Wala silang kahit anong dalang armas,tanging katapangan at galit lang ang dala nila,nakaya nilang pagtulungan ang mga ito.Pati si Jaebum na halos,wala ng malay na nakahandusay sa malamig na sahig.

"Wag kang mag-alala hyung,hindi naman sila mamamatay..Patutulugin ko lang,hindi dito matatapos ang paniningil ko"

"Yeah,halika na.Umalis na tayo dito,tumawag na ako ng mga pulis para damputin ang mga ito lalo na ang asong ulol na to"

Aniya saka sinipa pa si Jaebum making him groaned in pain.Galit siya,galit siya dito dahil pinakealam nito si Jin,ang pinakaiingatan niya,dinungisan lang nito. At pagbabayaran nito,ang ginawa nitong iyon kay Jin.

Tumango na lamang ito,at napansin niyang bumalik na sa dating maamo nitong aura ang mukha nito.Hindi na kababakasan ng kahit anong galit at mukha ng isang mabangis na halimaw ang mga mata nito.Tanging kalungkutan at pag-aalala ang tanging makikita.

Maya-maya pa ay dumating na ang mga pulis at isa-isang pinagdadampot ang mga lalaki kabilang na si Jaebum na isinakay naman sa ambulansya para malunasan.

Kinuhanan muna sila ng mga salaysay tungkol sa nangyaring kaguluhan,bago pumayag ang mga pulis na paalisin sila pabalik sa hospital.

"I'm sorry,Taehyung.Nadamay ka pa,at si Jas sa gulong ito sa pagitan namin ni Jaebum"
Paumanhin niya habang nagmamaneho't tinatahak ang kahabaan ng kalsada.

Taehyung slightly shook his head,giving him an assurance smile as if his friend was trying to say that it's alright,that it wasn't his fault.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry.Hindi naman natin masasabi kung ano ba ang mga mangyayari.Ayoko ng manisi pa ng kung sino-sino.Ang hinihiling ko na lang ngayon,sana bumuti na ang lagay ni jas"
He can feel the pain and sadness behind Taehyung's words.

He slightly patted the  younger's back

"Sana nga,Taehyung.Sana nga"

Naalala niya ang mukha ng takot na takot na si Jin.Ang pinakamamahal niyang si Jin.At hindi niya patatawarin ang mga taong dahilan ng lahat.




















JIMIN'S POV

"Hobi-hyung,where's Jungkook?"

Umalis ba siya ng hindi ako ginising?

"Ahm,kanina pa sila nakaalis.Kanina pa nga din ako naghihintay sa pagbabalik nila..Nag-aalala na ako"

Jusko,safe sana silang lahat.Medyo nanghihina pa din ako pero mas okay na kesa kanina ang pakiramdam ko.Napagawi ang tingin ko kay Jas.

She's still unconsious.Lumapit ako at naupo sa silya,sa tabi niya.

"Jas,naririnig mo ba ako?"

Jikook Presents: Its Started With A KissWhere stories live. Discover now