chapter 51: The past meets The present

664 13 1
                                    


JIN POV

"Love okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa walang imik?"

Tanong pa ni Namjoon habang tinutulungan niya akong maglagay ng mga damit at gamit ko na dadalhin sa paglipat namin sa bahay nina Jungkook.

"O-Oo naman,love..di ko lang inasahan na uuwi dito sa seoul ang parents ko dahil sa vacation slash reunion nilang magkakaibigan"

Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Iniisip mo na naman ba ang ikinakatakot mo?"

He really knew me at all,I can say.

I honestly nod.

He met my gaze and gently kissed my forehead.

"Wala kang dapat na ikatakot..Just trust me my love..Akong bahala sa lahat..Okay?"

"O-okay? Tsk,wag na nga muna natin silang isipin.Nakaka badtrip lang"

Pang-iiba ko at muling hinarap ang pag aayos sa mga gamit ko.

Ang totoo,natatakot talaga ako sa magiging reaksyon nila kapag nakilala nila si Namjoon.

What if hindi nila matanggap si Namjoon?

What if sapilitan nila ulit akong isama sa ibang bansa para manirahan kasama nila?

And what if,,ituloy nila ang pagpapakasal nila sakin sa anak ng kanilang business partner?

Wag naman sana.

You know,,typical business deals.

Yung ipapakasal ako para sa mas lalong ikauunlad ng kumpanya.

Ayokong mangyari yun.

Oo,isang buwan na ang relasyon namin ni Namjoon pero wala akong alam tungkol sa kanya.

Ang sabi lang niya,he's living with his grandma.

Well,hindi naman ako nagtatanong tungkol sa mga magulang niya.

Sasabihin din naman niya siguro pag may time..di ba?

Saka nirerespeto ko ang gusto niya.

"You're spacing out again,love"

Tumingin ako sa kanya.

"M-may sinasabi ka ba,Namjoon?"

"Sabi ko,kung tapos ka na ba diyan sa ginagawa mo?"

"Ah oo..let's go?"

Inayos ko na ang pagkakazipper ng maleta ko.

"Okay..Pero,wanna share what's on your mind?"

I know I make him worry.

And he should know atlease what's bothering me,I guess..

Boyfriend ko siya,so dapat din naman niyang malaman..Diba?

"Naisip ko lang Namjoon,we were one month together now,but I still don't know where you from or where's your family,parents..Something like that love.It's okay if,ayaw mo munang magsalita"

He nervously smiled.

Nervous? But why?

Lumapit pa siya sakin at hinalikan pa ako.

"P-pano kung sabihin ko sayong galing ako sa pamilya ng mga kriminal? Lalayuan mo na ba ako?"

Huh?

Kriminal?!

"Ohh,bat di ka makasagot?"

Tanong pa niya ulit.

Jikook Presents: Its Started With A KissWhere stories live. Discover now