chapter 18: Still

1.1K 38 10
                                    


JIMIN POV

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naupo sa malamig na sahig ng bathroom ng kwarto ko at halos walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.

Nasaktan ako kanina nang mag sorry si Jungkook.

Sino bang hinde? He said sorry after he kissed me and all.
Muntik pa nga na may mangyari,tapos sasabihin niya sorry?

The fudge! Para na rin niyang sinabi na nagsisisi siyang hinalikan nya ako't lahat. Hinubaran pa nga e.

At ang lalong nagpapabigat sa loob ko ay ang hindi niya pagsagot sa tanong ko.

What are we?

Ano nga ba kami?

We were kissing like what couples do.

May ganun ba?

Walang anuman sa aming dalawa pero ano to?

Ayaw niyang ibaling ko ang atensyon ko sa iba.

Parang possesive boyfriend lang ang pegged niya.

Kaso hindi ko siya boyfriend..

There's no US.

Palagi na lamang siyang nananahimik kapag may mga ganung bagay akong itatanong.

Hindi siya sasagot at minsan pa ay hindi niya ako kikibuin.

Na parang hindi niya ako nakikita kahit nasa harapan na niya.

Hindi ko  siya maintindihan.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng banyo at nagbihis.

Hindi lang ako basta iiyak dito sa bahay na to.

Ayoko munang harapin si Jungkook ngayon.

Kailangan kong makahinga.

Kailangan ko munang makapag-isip or atleast libangin ang sarili ko,at pansamantalang makalimot sa sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon.

"Jimin,,where are you going?"
Tanong ni Ninang nang makita akong bumaba.

"Pupunta po ako sa bahay ng kaibigan ko"
paalam ko at humalik muna sa kanya bago tuluyang lumabas sa bahay.

Mabait si Mrs.Jeon sakin.Para na ngang ina ang turing ko sa kanya.

Siyempre pati ang asawa niya.
Hindi nila ako itinuturing na iba.

Pero iba ang turing sakin ng anak nilang si Jungkook.

Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ang damdamin ko o ano.

Palagi na lang nakakaramdam ng sakit ang puso ko ng dahil sa kanya.

Nagpunta ako sa bahay ni Jin-hyung para sana mailabas ang bigat sa dibdib ko.

Lahat nasasabi ko sa kanya.

Kaya lahat ng nangyayari samin ni Jungkook alam niya.

Siya ang nagiging tagapayo ko,papagaanin niya ang loob ko at i tsi-cheer ng bongga.

Pipindutin ko na sana ng doorbell nang makita kong bukas naman ang gate at may nakaparada pang kotse sa labas.

Bahagya kong idinukwang ang ulo ko sa bukas na gate para makasilip man lang ako.

Huh?!

Si Jin-hyung ba yun?...at may kahalikan siya....si Namjoon hyung?!

Oh my god!

Jikook Presents: Its Started With A KissWhere stories live. Discover now