Jasmine's povHindi ko pa din inaakalang sa tagal na panahon na paghahanap ko ng kasagutan sa kakulangan ko,ay biglang magbabalik ang lahat sa isang iglap lang.
Yes,,Naaalala ko na ang lahat.
Lahat means everything..
Everything between me and Taehyung.
Flashback....
3: am
Tahimik kong isinara ang gate ng aming bahay not wanting to wake others.
Matapos kasi ang mga ibinunyag ni Mommy sa akin ang tungkol sa aming dalawa ni Taehyung,hindi na ako nakatulog.
Sa dami ng tumatakbo sa isip ko,sa dami ng mga tanong na pilit kong hinahanapan ng sagot,isa lang ang nais ko munang gawin.
At yun ay ang hanapin ang sarili ko.
Maaaring alam ko na ang lahat dahil sinabi sakin ng aking ina,mas gugustuhin kong ako mismo ang makatagpo sa mga nawawala kong ala-ala
Sumakay ako sa isang bus at dinala ako sa lugar kung saan ako nagkaisip.
Nandito pa din ang dati naming bahay.
Mabuti naman at hindi pa naisipan nina mommy na ibenta ang bahay na'to.Hindi ko man maalala pa ang iba pang detalye,ramdam ko na maraming masasayang ala-ala akong naiwan dito.
Pumasok sa loob at isinara ang gate.
Tumambad sa akin ang mga naglalakihan ng mga damo subalit buhay na buhay naman ang mga bulaklak na tumubo sa mga ito.
Napadako ang tingin ko sa maliit na swing na may nakalagay pang nakaukit na initials 'V love J'
Lumapit ako sa swing at pinagpag pa ang mga yelong naipon bago naupo dito.
Hinawakan ko ang mga nakaukit sa swing..
At sa paghawak ko,bigla na namang kumirot ang ulo ko at may mga imahe akong nakikita..
Isang batang lalaki at batang babae na parehong nakaupo sa swing na ito at masayang naghaharutan.
"May naisip ako Ja"
"Ano yun V?"
Kumuha ang batang lalaki ng matulis na bagay at nagsimulang umukit sa swing.
'V love J'
"Ano yan?"
"Yan ang mga initials ng names natin.Para pag matanda na tayo,may babalik balikan tayong alaala"
Ngumiti ang batang babae habang hinawakan naman ng batang lalake ang mga kamay nito.
"Ja,hanggang sa pagtanda natin dapat magkasama pa din tayo ha? It will just You and Me forever,okay?"
"Okay.."
Nakangiting sagot ng batang babae.At unti-unting nagiging malinaw ang mukha ng mga imahe sa isip ko.
Ang batang babae ay...ako?
At si Taehyung?
Siya nga si V?
Kahit kumikirot pa ang ulo ko,tumayo na ako at pumasok sa loob.
Pinasadahan ko ng tingin ang bawat sulok ng bahay.
YOU ARE READING
Jikook Presents: Its Started With A Kiss
FanfictionA jikook fanfic... Sana magustuhan niyo ^^ Casts: Jeon Jungkook-the popular student Park Jimin-the charming guy na magkakagusto kay Jungkook Kim seokjin and Jung Hosoek aka Jhope- mga kaibigan ni Jimin Kim Taehyung- kaibigan at lihim na nagmamahal k...