chapter 78: Proposal (pt.2)

395 7 0
                                    


Nakangiti at masayang pinagmamasdan ni Jhope ang mga batang masayang naglalaro at nagtatakbuhan sa pinakamalapit na theme park na kinaroroonan nila ni Mark ngayon.

Madami silang napasyalang lugar dito sa probinsya nina Jas at V,kaya hindi na nila namalayan ang mabilis na paglipas ng oras.

Nagsisimula ng lumubog ang araw,at nakakaramdam na din siya ng pagod kaya naisipan ni Mark na ibili siya ng makakain kaya nagpaalam ito saglit sa kanya.

And here he was,sitting alone on his bench,nagmamasid masid sa mga batang naglalaro,mga couples na namamasyal pati mga pami-pamilya na nagba bonding.

He smiled to himself as he saw a one big happy family out there.Happily chatting with each other,playing around,laughing with their jokes.

"Uy may nakangiti,bakit kaya?"
Untag ng tinig ni Mark na nakabalik na pala at may dala pang dalawang hamburger,two drinks and a box of frenchfries.

Naupo pa ito sa tabi niya sabay lapag ng maayos sa mga dala nito sa upuan.

"Wala naman.Masaya lang,teka ang dami mo naman biniling pagkain,Mark?"

"Siyempre ayokong mabitin ka e.Talaga ba masaya ka?"

Natatawang kumagat na siya sa hamburger na dala nito.

"Oo,sobra.Thank you sa pagkaing ito at siyempre sinamahan mo kong mamasyal"

Ngumiti ito at kumain na din at pagkuway tiningnan nito ang phone nito at tila ba may binabasa itong text.

"May nagtext?"
Pagtatanong niya.

Tumango lang ito bilang sagot ng hindi tumitingin sa kanya.

"Sino?"
Ayaw niyang mag-isip ng kung ano ano pero iba ang pakiramdam niya.

May tinatago ba siya sakin?

"Wala,hindi naman importante"

Inilapag nito ang phone sa kinauupuan nila at muling hinarap ang pagkain.Maya maya pa muling nag-beep ang phone niya,may nagtext ulit.

Hindi pa man niya nakikita sa screen ang sender,agad nitong kinuha ang phone at binasa ang message.

Nakatingin lang siya dito at pinag-aaralan ang mukha nito.And right there,he saw Mark smiled widely.Nag-angat ito ng tingin at sinalubong ang kanyang nanghihinalang mga tingin.

"Oh ba't ganyan ka makatingin sakin baby ko?"

"Sino yang ka text mo? At ngingiti ngiti ka pa diyan"

Tumawa lang ito ng mahina.

"Si Namjoon,sabi niya umuwi na daw tayo"
Parang hindi siya kumbinsido sa sagot nito.

Una sa lahat,bakit magte text si Namjoon sa kanya?At bakit ito at hindi si Jin? Pangalawa,anong dahilan at mapapangiti siya kung pinapauwi lang sila ni Namjoon? At higit sa lahat,nagpaalam naman sila sa mga kaibigan na mamasyal,tapos ngayon magtetext sila para pauwiin sila ng maaga?

Nakapanghihinala..

Nilagok niya ang laman ng kanyang drinks,in just one shot ng hindi niya inaalis ang tingin kay Mark.Tumawa lang ito at inubos na din ang drinks nito.

"Di ka ba naniniwala sakin,baby ko? Nanghihinala ka bang may iba akong ka text?"

There.

"Uy sayo galing yan. Dapat ba akong manghinala?"

Tumawa ulit ito at muli nitong hinarap ang phone at pagkuway,ipinakita nito ang message.

From:Namjoon

Jikook Presents: Its Started With A KissWhere stories live. Discover now