"Jas-noona,wait!"
Tawag ni Jungkook dito.Mabuti na lamang at naabutan pa niya ito sa airport.
Lumingon ito sa kanya at tila nagulat pa ng makita siya.
"J-Jungkook,bakit ka nandito?"
Lumapit siya rito at niyakap ito.
"Bakit kailangan mong umalis,Noona?"
Kumalas ito ng yakap at humarap sa kanya.
"Dadalawin ko yung mga uncles ko dun"
"Noona,alam mong hindi yan ang gusto kong marinig"
She sighed.
"K-kumusta si V? Okay lang ba siya?"
"Hindi pa din siya nagigising.Pero okay naman daw siya sabi ng doctor"
"Mabuti naman"
Hinila niya ito at pinaupo sa isa sa mga upuan.
"Bakit hindi mo siya puntahan,Noona?"
Umiling lang ito at bahagya pang yumuko.
"Hindi na ako kailangan doon.Nandoon naman kayong lahat para sa kanya diba? Si Jimin,nandun naman siya"
Napatingin siya dito.
"Noona,ano bang sinasabi mo?"
Tumingin ulit ito sa kanya at sinalubong ang kanyang mga tingin.
"Ang sinasabi ko,magiging okay lang si Taehyung kahit wala ako kasi nandyan naman si Jimin,at alam mo Jungkook kung ano ang ibig kong sabihin"
Natigilan siya.
Tama naman ito.
Miski siya alam niyang mahalaga si Jimin kay Taehyung.
"K-kaya ka ba aalis para subukang kalimutan na lang ang nakaraan niyo ni V-hyung?"
Malungkot na tumango ito.
"Ayokong mabuhay sa nakaraan.Ayokong bumalik sa nakaraan lalo't alam kong madami na ang nagbago sa aming dalawa"
"Pero noona,mahal mo siya"
"Oo,siguro nga mahal ko pa din siya.Pero hindi ko kayang kumapit pa lalo't alam kong iba na ang nagmamay-ari ng puso niya.At alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko"
Tama na naman ito.
"P-pano mo naman nasabi yan Noona?"
She sadly smiled.
"Nakikita ko sa mga mata niya.Nakita ko kung paano siya umiyak,nakita ko kung gaano siya nasaktan para kay Jimin"
He shook his head.
"Pero hindi mo makita kung paano ka niya titigan? Noona,mahalaga ka sa kanya"
Nag-iwas ito ng tingin sa kanya.
"Pero hindi na nga ako ang may hawak ng puso niya.Totoong lahat ay nagbabago,lahat ay naglalaho.May mga nawala,at mayroong darating na panibago"
she paused."At ayoko ng guluhin ang isip ni Taehyung dahil sa pagbabalik ng nakaraan..sa pagbabalik ko"
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya o kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga sinabi nito.
"Hey,wag kang magalit kay V ha? Alam mo kasi,ang puso hindi naman natuturuan kung sino ang dapat nitong mahalin.Nagkataon na ang nagustuhan niya at minahal ay ang bestfriend niya na boyfriend mo.Medyo awkward, kasi pareho mo silang kaibigan"
YOU ARE READING
Jikook Presents: Its Started With A Kiss
FanfictionA jikook fanfic... Sana magustuhan niyo ^^ Casts: Jeon Jungkook-the popular student Park Jimin-the charming guy na magkakagusto kay Jungkook Kim seokjin and Jung Hosoek aka Jhope- mga kaibigan ni Jimin Kim Taehyung- kaibigan at lihim na nagmamahal k...