NNA3: Dinner

368 24 5
                                    

Kain lang ako nang kain nang biglang may bumagsak na kamay sa lamesa namin. Napatingin naman ako sa gumawa nun.

Ohshet....

"Problema mo, Axel?" Tanong ni Carlo dun sa nabunggo ko kanina. Yung ex ni Christine.

Nakatitig lang sakin itong Axel na 'to. Ako naman ngumunguya habang takot na nakatingin sakanya.

"Okay? Titigan portion ba itu?" Sabi ni Erika.

Bigla namang nilapit ni Axel ang mukha nya sakin.

Fuck! Hoy shet ano ba?!!?!

"You told me to find you right?" Ngumisi sya sabay hatak sakin patayo.

"Hoy saan mo dadalhin kaibigan ko?!" Sigaw ni Erika.

"Wait!" Nilapitan ko yung table namin saka kinuha yung chuckie ko.

"Tss. Childish." Sabi nya sabay hatak na sakin palabas ng canteen.

Hinayaan ko na lang na hatakin nya ako dahil alam ko namang may atraso ako sakanya. Pero ghad! Hindi ako prepared!

Umiinom ako ng chuckie habang hinahatak nya ko. Hindi ako kumikibo.

Maya maya pa ay huminto na sya. May binigay sya saking listahan at..

"Buy all the things that are listed in that paper. Here's the money. Faster!" Sabi nya sabay tulak sakin. Aray ko ha? Gawin daw ba kong utusan?!

No choice ako kaya pumunta na lang ako sa mall.

Pumasok na ako sa National Book Store para bilhin yung mga pinapabili nya.

Cartolina
¼ Illustration board
Pentel pen (4 pcs.)
Manila paper (2 pcs.)
Colored paper (10 pcs.)
Glue

"Okay.. I'm done." Sabi ko at pumunta na ng counter.

"P82.25 po, ma'am." Sabi ng cashier.

Tinignan ko yung binigay saking pera ni Axel. Wtf.. singkwenta! ㅡ.ㅡ Singkwenta lang!!! Nanlumo ako at kinuha ang wallet ko.

At kung minamalas ka nga naman oh. Singkwenta na lang din ang pera ko!

Wala na akong nagawa kundi iabot ang 50 ni Axel at ang 50 ko. Sinuklian naman ako ni ate ng P17.75, ayos din. Hays!

Nung maiabot na sakin yung pinamili ko, lumabas na agad ako ng mall at sumakay na.

Pumunta ako sa Engineering Dept. para ibigay kay Axel itong mga pinabili nya sakin.

"Andito ka na naman?!" Bungad ni Clyde nung magkasalubong kami sa hallway.

"Wala kang pake ha!" Inis na sabi ko at nagdiretso na.

Nasaan ba yung Axel na yun?!

Napahinto ako sa paglalakad nang mahagip ng mga mata ko si Axel sa loob ng isang classroom. Pumasok ako doon at agad na inabot sakanya yung paper bag. Tumalikod na ako sakanya at lumabas na.

Nagkasalubong na naman kami ni Clyde paglabas ko ng classroom.

"Anong ginawa mo sa loob?" Gulat na tanong nya.

"Wala.. kang.. pake." Walang ganang sabi ko at nilampasan na sya.

Na-late ako sa next subject ko dahil sa pinagawa sakin ni Axel. Pero ayos lang, di naman ako pinagalitan at wala naman kaming quiz e.

"Babye, Erika!" Pagpapaalam ko kay Erika dahil magkaiba kami ng tinitirhan.

"Babye din. Ingat ka ha?" Sabi nya at pumasok na sa bus.

Nanay Na Ako?!?!?! [BTSPINK FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon