"Hoy, Carlo- bumalik ka dito-" Hindi ako makasigaw dahil ayaw kong makaagaw ng atensyon dito sa bistro kaya paputol putol yung sinasabi ko.
Hinabol ko siya palabas ng bistro. Huminto naman siya nung makalabas na kami kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Sabihin mo nga sakin.. Bakit ka nagkakaganyan?" Seryoso pero inis na sabi ko. Nakatalikod lang siya sakin.
Hindi naman siya sumagot.
"Carlo.. Akala ko ba okay na tayo? Akala ko ba tayo ang magiging magkasama sa fieldtrip na 'to? Pero bakit si Kathleen ang kasama mo?" Sunod sunod na tanong ko.
"Carlo.." Huminto muna ako sa pagsasalita dahil nagbabadya na naman ang mga luha ko.
Huminga muna ako sandali at pumikit.
Pagdilat ko, nakaharap na siya sakin.
"Kathleen and I.." Pasuspense na sabi niya.
Nakatingin lang ako sakanya habang hinihintay ang susunod nyang sasabihin.
"..We're still together." Dugtong niya.
"A-ano?" Naguguluhang tanong ko.
"Kami parin ni Kathleen. Umuwi lang siya ng Cebu dahil may kailangan syang asikasuhin don kaya inakala ng mga tao, naghiwalay kami, but that's not true. And yung about kay Janey? Yes, totoo yon. Pero mas mahal ko si Kathleen. May pagkakapareho kasi silang dalawa kaya nung mga panahong nangungulila ako kay Kath, si Janey ang lagi kong tinitignan." Saad niya habang seryosong nakatingin sakin.
"At yung sayo? Loryn.. I'm just fooling around. I'm not serious about our so called relationship. You're not my type. You can't even reach my standards. Kaya kung ako sayo.. Ilugar mo ang sarili mo. Masyado kang tanga at napapaniwala sa mga sinasabi ng mga tao sayo. What a shame.." Umiling siya bago ako alisan.
Iniwan niya akong speechless at tulala.
Put----
Anong nangyayari sa buhay kong 'to..
"Bakit.." Sabi ko habang nangangatog na naglakad papalapit sa dagat.
"Anong ginawa kong masama sayo at sinasaktan mo ko ng ganito.." Onti onti ng nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha.
Habang tumutulo ang mga luha ko, papalapit ng papalapit naman ako sa tubig.
Ilugar ko ang sarili ko?
Siguro dito ako nababagay..
Dahan dahan kong nilulubog ang sarili ko sa tubig. Dinadama ko ang mahinang paghampas ng alon sa mukha ko.
Pumikit ako at dumeretso pa hanggang sa wala na akong maapakan pa..
Hindi ako umiinom ng alak. Kaya siguro kailangan kong magpakaliteral. Magpakalunod sa tubig dagat, at wag sa alak.
Magpakamatay ka na, Loryn.
~
[NGAYON LANG AKO MAG-IIBA NG POV AFTER 21 CHAPTERS. HAHAHA! POV PO MUNA ITO NI ERIKA. SIMULAN PO NATIN SA PAG GISING NIYA NUNG UMAGA KUNG KAILAN NAKIPAG-USAP SI LORYN KAY CARLO.]
"Ikay! Naligo ka ba?" Tanong ni Janey pagkalabas ko ng hotel room namin ni Loryn. Sabay kasi kaming lumabas e. Ewan ko din kung paano at bakit.
"Maganda parin ako kahit hindi naligo." Nakatulalang sabi ko at naglakad na. Sinabayan niya na lang ako.
"Nakita mo ba si Madi?" Tanong niya habang naglalakad kami.
"Sa tingin mo makikita ko yun kung kakagising at kakalabas ko lang ng kwarto?" Walang ganang sabi ko habang nakatingin sakanya.
BINABASA MO ANG
Nanay Na Ako?!?!?! [BTSPINK FF]
FanfictionAko po si Loryn Urizawa Villareal. Isang simpleng estudyante na nag-aaral sa University of the Great Imperial. Rhyming ah? Hehe. So ayun na nga. Tahimik lang ang buhay ko pero masaya naman. Until one day, nameet ko tong lalaking ito na sumira ng kin...