Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa pagvibrate at pagtunog ng cellphone ko na nasa gilid ng unan ko. Nakakatulog na kasi ako.
Nakita ko sa orasan ng cellphone ko na magte-10 palang ng gabi. Ang tagal chinika nina Madi at Janey si Lyndon. Ako yung napagod sa ginawa nila.
Tinignan ko naman ang notification sa cellphone ko at agad naman akong napatayo.
Urgent?! Bakit? Anong meron?!Palakad lakad ako dahil sa pagkataranta. Hindi ko alam kung pupunta ba ako ngayon or bukas na lang.
Tumingin ako sa paligid at napansin kong wala pa sila Madi dito sa kwarto. Nandon parin ata sila sa sala at nagpupuyat.
Grabe yung sitwasyon namin kanina. Sobrang hiyang hiya ako to the point na hindi na ako nagsasalita.
Inaya kasi ni Madi si Axel pumasok dito sa bahay para sumabay na rin sa pagkain ng lunch.
Habang kumakain kaming lahat, nagkakatinginan kami ni Axel. Nginingitian niya ako or di kaya naman ay kinikindatan. Halos mabilaukan ako sa kilig.
Tuwing iiwas ako ng tingin sakanya, napapatingin naman ako kay Erika na nakatingin din sakin nang nakakaasar. Pinapataas taas niya yung kilay niya sabay ngisay at balik sa pagkain niya.
Minsan naman ay ingunguso niya yung singsing na suot ko sabay tingin na naman nang nakakaasar.
Pinandidilatan ko siya ng mata para tumigil siya. Hindi pa kasi alam nina Madi at Janey yung nangyari kaninang umaga. Nakakapagtaka nga at hindi nila nakikita yung singsing na suot ko. Ang laki pa naman ng bilog at ang kinang kinang din kaya imposibleng hindi mapansin.
Ay bakit ba ako nagfaflashback?! Kailangan ko nang magdesisyon!
E kung bukas na lang kaya? Hindi naman siguro magagalit si madam Ana, 'no? Hay bahala na.
Papaupo palang ulit ako sa kama ko nang magring ang phone ko.
Unregistered number..
Sinagot ko naman ito.
"Hello?" Nag-aalangang sabi ko.
"Mom wants to see you." Sabi ng isang babae sa kabilang linya. Ang bongga ng accent ah.
"Ah.. sorry, sino po ito?" Nahihiyang tanong ko. Malay ko ba kung si Angela ba 'to o si Loren. Parehas silang may accent e.
"Your future sister-in-law." Halos machoke naman ako sa sinabi niya.
What the fack?
"Ate Angela? Ano.. ah.." Paputol putol na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Nanay Na Ako?!?!?! [BTSPINK FF]
FanfikceAko po si Loryn Urizawa Villareal. Isang simpleng estudyante na nag-aaral sa University of the Great Imperial. Rhyming ah? Hehe. So ayun na nga. Tahimik lang ang buhay ko pero masaya naman. Until one day, nameet ko tong lalaking ito na sumira ng kin...