NNA24: Revealing the Truth

184 10 4
                                    

[EVERYONE, POV PO ULIT 'TO NI ERIKA. WAG PO SANA KAYONG MALITO. AGAIN, POV PO ULIT ITO NI ERIKA. YUN LAMANG PO. ENJOY! 😁✌]

"Sagutin nyo ang tanong ko! Anak ba ni Axel yung kausap nyo?!" Pasigaw na tanong ni Christine. Kanina pa yan. Nakakairita na.

"Oo! Tangina mo, kanina ka pa sigaw ng sigaw dito! Kung gusto mong mag-iskandalo, dun ka sa labas para bidang bida ka talaga!" Inis na sabi ni Janey. Pangalawang mura nya na yan ngayong araw. Grabe 'to. Nahawa ata kina Julian at Owen.

Napangisi naman bigla si Christine.

"Tama ba ang narinig ko? Janey Marasigan is cussing? Oh come on! Tinuturing ka pa namang role model ng ibang students sa U.G.I. tapos ganyan pala yang bibig mo." Sabi niya habang nakacross-arms.

"Oh ano ngayon kung nagmumura ako? Big deal ba? Parang ikaw di ka nagmumura ah? Punahin mo ko kung sobrang linis mo. Balita ko nga nakuha na ni Axel virginity mo e. Tsh." Si Janey naman ngayon ang ngumisi. Natahimik naman si Christine at na-stun sa sinabi ni Janey.

"There's nothing to be concern about my v-virginity.. Ang pinag-uusapan natin dito is yung pagmumura mo!" Halatang guilty si ate mo. Nauutal e.

"Hmm.. What about saying fuck and shit while you're doing that thing with Axel? Can I consider that as cussing too?" Nagsmirk si Janey habang binibigyan ng mapang-asar na tingin si Christine.

Kaming dalawa naman ni Madi ay nagpigil ng tawa.

Namumula naman si Christine. Dahil siguro sa kahihiyan.

"Argh!" Padabog na umalis si Christine habang nakakuyom ang mga palad niya.

Nagsitawanan naman kaming tatlo.

"Makikichismis pa kasi e." Sabi ni Madi.

"Tsaka bakit siya bigla biglang pumapasok sa kwarto ng iba? Papansin." Sabi naman ni Janey.

"Pero yung mura mo talaga e. Ang lutong. Cccrunchy!" Sabi ko habang kinikiliti si Janey.

"Matagal naman na kong nagmumura e. Since highschool pa. Nagkataon lang na wala akong naging tropa ngayong college ako kaya ayun, ang tahimik ko lang lagi. Di ko nalalabas yung crunchyness ng mura ko." Sabi ni Janey sabay tawa.

"Baliw ka na. Hahaha!" Sabi ko naman.

"Pero san mo nakuha yung information about sa pagkawala ng virginity ni Christine?" Nagtatakang tanong ni Madi.

"I heard their argument. Nakakahiya nga e. Sinusumbat ni Christine kay Axel yung pagkawala ng virginity niya. To think na nasa public place sila. Gross!" Nakakunot noong sabi ni Janey.

"You mean sa labas ng mall?" Tanong ulit ni Madi.

"Oo, dun nga. Kumakain kasi ako ng kwek kwek non tapos ayon. Narinig ko yung pagtatalo nila." Sagot naman agad ni Janey.

"Ay ang galing! Nandon din ako non e. Kasama ko si Loryn. Di ka lang siguro namin napansin." Natatawang sabi ni Madi. Okay lang ako dito. OP na ko. Hahaha!

"Hoy mga ateng! Magsilabas na kayo dyan. Magsstart na yung pool party." Pagtawag samin ni Diana. Umoo lang kaming tatlo at nagready na.

Pupunta kaya si Clyde?

Ay malamang yon.

-

"Ang daming nakatopless na fafa. Myghad!" Kinikilig na sabi ni Madi.

"Gusto kong makitang nakatopless si Jared at Ivan. Hehehe." Kinikilig din na sabi ko.

"Gaga!" Tumatawang sabi ni Janey sabay batok sakin.

Nanay Na Ako?!?!?! [BTSPINK FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon