At dahil si Carlo daw ulit, eto na. HAHAHAHAHA!
--Napayuko si Erika sa ginawang pag-akbay sakanya ni Clyde.
"Okay.. wag nyo na muna silang pansinin. Ako na lang muna. Ehem! Hi girls, I'm Julian. Bestfriend ko 'tong si Clyde. Ahm.. sino ang bestfriend ni Erika sainyo? Para double date tayo." Nakangiting malapad na sabi ni Julian.
Tinuro ko si Janey na syang ikinagulat nya.
"Ha? Hindi--"
"So ikaw pala ang bestfriend ni Erika? Hehehehe." Nahihiyang sabi ni Julian.
"Ikaw si Janey diba? Sikat na sikat ka dito sa campus. Ang galing mo kasing kumanta. Grabe! Ang swerte ko ah." Sabi nya habang inaayos ang necktie nya. Napabuntong hininga na lang ako. Si Janey naman ay deretso lang ang tingin kay Julian.
"So.. double date?" Tanong ni Julian kay Janey. Tumingin ako kay Janey at mukhang hindi sya sasagot kaya ako na lang ang nagsalita.
"Oo daw, sabi nya." Pagsingit ko sa usapan. Tumingin naman sakin si Janey with matching widen eyes pa.
"Ahm.. aalis na ba ko?" Tanong ko sakanilang apat. Kakahiya naman e. Kanya kanya silang partner.
Mas lalo akong nahiya nung hindi sila nagsalita.
Ay wow ha?! Wow! Sige, Loryn! Pwede ka nang umalis. Mukhang wala naman silang pake sayo. Magreview ka na lang dahil 1 hour na lang, start na ng exam nyo.
So eto na nga, nagreview na lang ako. Nandito ako sa classroom namin. Wala namang gumagamit nito ngayon kasi wala namang naka-schedule na magkaklase dito.
Habang nagrereview ako, bigla kong naalala yung tanong sakin ni Madi nung nakaraang araw. Anong gagawin ko after kong makagraduate.
Hahanapin ko ang tunay kong mga magulang. Oo, alam kong ampon lang ako. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paano ako nahiwalay sa mga magulang ko. Pero wala naman akong sama ng loob sakanila e. Bakit pa e hindi ko naman alam ang dahilan nila. Kaya ayos lang sakin. Pero may part sakin na nasasaktan ako. Kasi everytime na makakakita ako ng pamilyang masayang magkakasama, di ko maiwasang isipin na paano kaya kung hindi ako nahiwalay sakanila? Ano kayang estado ng buhay ko ngayon?
Ang masakit pa non.. wala na nga yung mga tunay kong mga magulang sa tabi ko, iniwan pa ko ng mga nag-ampon sakin. Namatay sila dahil sa isang car accident. 4th year highschool ako noon at saktong pagraduate na. March noon nung namatay sila. Nasaktan ako, sobra. Kasi sila na nga lang tong nagpalaki at nag-alaga sakin, iiwan pa nila ako. Inisip ko kung paano ako magpapatuloy sa college kung wala nang susuporta sakin. Buti na lang at nandyan si Madi. Kaklase ko na sya since highschool. Kilala na ako ng mga magulang nya at mabait silang buong pamilya sakin. Kaya nung nalaman nila ang nangyari kina mamu ay sila na ang umako ng pagiging magulang sakin. Kina Madi ako tumira. Pero nung kinailangang pumunta ng mga magulang ni Madi sa America ay hindi na ako tumira kina Madi. Wala, trip ko lang. Alam yun nila tita. Actually sakanila yung tinutuluyan naming apartment ni Madi. Sumama sakin si Madi dahil sabi nya sa parents nya na gusto nya din daw maging independent. So ayun, natuwa pa nga mga magulang nya e. Sinusustentuhan parin nila kami pero ginusto din naming magtrabaho ni Madi para di naman kami yung puro asa sa padala nila tita.
Kaya ngayon na ilang buwan na lang at gagraduate na kami ni Madi, magpapasalamat talaga ako ng sobra sobra kina tita at tito.
Mag-aaral ako ng mabuti para mas maging proud pa sila sakin. Sana ganon din si Madi.
"Ba't ikaw lang mag-isa dito? Asan sila?" Tanong sakin ng kaklase kong si Owen. Kakapasok nya lang.
"Ewan ko sakanila." Sagot ko at nagbalik na ulit sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Nanay Na Ako?!?!?! [BTSPINK FF]
FanfictionAko po si Loryn Urizawa Villareal. Isang simpleng estudyante na nag-aaral sa University of the Great Imperial. Rhyming ah? Hehe. So ayun na nga. Tahimik lang ang buhay ko pero masaya naman. Until one day, nameet ko tong lalaking ito na sumira ng kin...