"U-uy! Sino ka?!" Mahinang tanong ko dito sa lalaking humihila sakin. Balabas na kasi kami ng bahay jusko! San niya ko dadalhin?!
Hindi na lang ako nagsalita nung nakalabas na kami dahil mukhang kilala ko na kung sino 'to.
Hawak niya na ngayon ang kamay ko habang nauuna syang maglakad. Napabuntong hininga na lang ako.
"Ilang oras na lang kailangan na nating pumunta sa school.. Saan mo ba ko balak dalhin?" Seryosong sabi ko habang nakayuko at naglalakad sa likuran niya.
Huminto siya sa paglalakad at humarap sakin. Bigla niya kong niyakap ng mahigpit.
"Iba ka din e 'no? Hindi ko alam kung bakit o ano pero grabe na yung pagkamiss ko sayo kahit ilang araw lang tayong di nagkasama." Sabi niya habang nakayakap sakin. Hindi ako nagsalita. Di ko alam sasabihin ko.
"Bumalik ka na.." Bulong niya at mas hinigpitan pa ang yakap niya sakin.
"Axel.." Mahinang sabi ko.
"Pag-uwi natin galing field trip, dun ka na sa condo ko dumeretso ha?" Magkatitigan na kami ngayon. Wala naman akong masabi kaya tumango na lang ako.
Pagkatapos nun, bumalik na kami sa bahay. Pumasok na agad siya sa guest room at ako naman humiga na lang dito sa sofa. Nawala na yung antok ko. Langya kasing Axel yan e!
Ilang minuto lang ang nakalipas, nagsibabaan na sila Erika.
"Kilos na!" Sigaw ni Julian.
"Kapal ng mukha amputa!" Iritadong sabi ni Owen habang nagkakamot ng ulo.
"Ako na magluluto ng breakfast. Nakahanda na ba ang mga dadalhin nyo?" Tanong ni Madi nakakababa lang.
"Yes mommy!" Masayang sabi ni Julian.
"Parang tanga." Masungit naman na sabi ni Janey. Natahimik naman si Julian. LQ na dis.
"Saan ba kayo magfifieldtrip?" Tanong ni Madi habang naghahanda na ng lulutuin.
"Boracay daw e." Sagot naman ni Erika.
"Boracay?! Tindi nyo ah?" Napatingin samin si Madi. Lahat kaming mga babae nandito sa kusina, yung tatlong lalaki naman nasa sala.
"Anong gagawin niyo sa Boracay?" Dugtong pa ni Madi.
"Ewan ko din e. Trip ata nilang pagbakasyunin kami. Mga 4th year lang naman daw e kaya alam na. Parteeeeh!" Sigaw ni Erika sabay head bang.
Muntanga lang.
"Tigilan mo nga yan!" Tinulak naman siya ni Janey kaya umayos na lang ng tayo si Erika at tumulong kay Madi.
"Seriously? Bakasyon lang ba ang ipupunta nyo don?" Hindi makapaniwalang sabi ni Madi.
"Ulit ulit tayo, teh?!" Sabi naman ni Erika.
"Ang astig kasi." Malungkot na sabi ni Madi. Pinagpatuloy na lang niya ang pagluluto.
"Nga pala, ba't kayo pumayag na dito matulog si Axel?" Inis na sabi ko. Mahina lang syempre.
"Ayan si Madi oh! Pinayagan niya yung dalawa na dito patulugin yung lalaking yun! Sabi ko nga wag kasi ang awkward nun para sayo tapos biglang oo agad siya. Wow talaga!" Sabi ni Erika sabay irap kay Madi.
"Alam mo, Erika? Kanina pa kita gustong bigwasan e." Masungit na sabi ni Janey kaya natahimik naman si Erika at yumuko. Ang aga aga kasi ang daldal. Langya!
Pero ano bang meron at inaaway niya si Erika?
After naming gawin ang kailangan naming gawin, nagready na kami para umalis at pumuntang school.
BINABASA MO ANG
Nanay Na Ako?!?!?! [BTSPINK FF]
FanfictionAko po si Loryn Urizawa Villareal. Isang simpleng estudyante na nag-aaral sa University of the Great Imperial. Rhyming ah? Hehe. So ayun na nga. Tahimik lang ang buhay ko pero masaya naman. Until one day, nameet ko tong lalaking ito na sumira ng kin...