NNA23: The Task

197 11 2
                                    

[BALIK NA TAYO SA POV NI LORYN HA? OKAY. KAY LORYN NG POV ITO AT HINDI NA KAY ERIKA.]

"LORYYYYYYYYYN!!! LORYN KAMUSTA KA?! AYOS KA LANG BA?! NAKAKAHINGA KA PA BA?! HA?" Napapokerface ako dahil sa pagsigaw ni Erika.

Hindi ko ba alam kung concern 'to o ano e. Makapag-usisa sa katawan ko wagas. Parang babaliin niya na buto ko.

"ANO?! SAGOT!" Nakakahiya talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan e. Pinagtitinginan na kami ng mga nurse dito sa clinic.

"Hoy!" Nabigla kami sa pagsampal ni Janey kay Erika.

"A-aray naman?" Napapout naman si Erika habang nakahawak sa pisngi niya at nakatingin na parang kinawawa kay Janey.

"Ang ingay ingay mo, kita mong nasa clinic tayo oh! Iskandalosa lang ang peg? Ha?" Nakataas kilay na sabi ni Janey.

"Sungit naman nito." Tumayo naman ng maayos si Erika at pumwesto sa likod ni Madi. Nakapout parin siya hanggang ngayon.

"Ano bang kaabnormalan yang pinaggagawa mo sa buhay mo ha, Loryn?" Inis na sabi ni Madi. Napayuko naman ako.

"Kung papatayin mo sarili mo, siguraduhin mong matutuluyan ka talaga. Hindi yung mukha kang tanga na pinapahirapan lang yung sarili." Pag gatong pa ni Janey.

"At yung sayo? Loryn.. I'm just fooling around. I'm not serious about our so called relationship. You're not my type. You can't even reach my standards. Kaya kung ako sayo.. Ilugar mo ang sarili mo. Masyado kang tanga at napapaniwala sa mga sinasabi ng mga tao sayo. What a shame.."

Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Kumuyom ang mga palad ko at humigpit ang hawak sa kumot.

"Sumagot ka!" Galit na galit na sabi ni Madi. Lalo naman akong naiyak.

"Kumalma nga muna kayo! Nasa clinic tayo diba? Kayo nagsabi nyan tapos ang iingay nyo din. Pwede bang paglabas na lang ni Loryn at kapag nakapagpahinga na siya, tsaka nyo siya tanungin at pilitin ng ganyan? Kita nyong nahihirapan na yung tao e!" Pagsalo sakin ni Erika. Hinahagod niya yung likod ko para mapatahan ako.

"Si Axel ba? Tangina nun ah.." Sabi ni Janey sabay walkout.

Nagkatinginan naman kaming tatlo.

"Si Janey ba yon? O sinapian lang? Lutong ng mura ah?" Nagtatakang tanong ni Erika. Napakibit balikat lang kami ni Madi.

~

"Pupunta ka pa ba sa pool party natin?" Tanong sakin ni Erika. Umiling lang ako.

"Pagpahingahin naman natin siya diba? Baliw ka ba?" Sabi naman ni Madi.

"Pero sino ba kasi talaga yang nagpaiyak sayo at may balak ka pang magpakamatay, gaga ka!" Binatukan ako ni Erika.

"Aray ko!" Binatukan ko din naman siya.

"Easy nga muna! Naistress ako sainyong dalawa!" Napasabunot maman si Madi sa buhok niya at pumikit.

Laki ng problema teh?

"I don't feel myself staying here." Bigla na lang yang lumabas sa bibig ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ni Erika.

"Hindi pa siguro ngayon ang right time para malaman nyo yung nangyari sakin kanina bago ako dalhin sa clinic.. I need space.." Tulalang sabi ko.

"Lawak lawak ng space dito, naghahanap ka pa ng space. Makuntento ka naman." Ewan ko ba kung nang-aasar 'tong si Madi o binabago lang yung atmosphere para di masyadong madrama e.

"Basta-" Mag-uumpisa palang akong mag-explain nang magring ang cellphone ko.

Nag-excuse ako sakanilang dalawa at sinagot ang tawag. Unregistered number din siya pero di na roaming tulad ng kagabi.

Nanay Na Ako?!?!?! [BTSPINK FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon